Milan, Hunyo 11, 2015 – Kahit sa mga ordinaryong araw, ay walang patid at dinudumog ang 6 buwan Expo 2015 sa Milan. Kanya-kanyang presentasyon ang ipinamalas ng mahigit kumulang isang daan bansa na lumahok sa naturang event na may kinalaman sa mga pangunahing produktong pang agrikultura.
Hanggang sa kasalukuyan ay ilan bansa pa rin ang hindi nakakapagbukas ng kanilang pavilion. Isa na dito ang bansang Nepal. Matatandaan noong buwang ng Abril ng taong kasalukuyan ay niyanig ang nasabing bansa ng lindol na may lakas na 7.8 magnitude na nag resulta sa daang daan kataong nasawi at mga nasugatan, maging ang pagkasira ng maraming bahay at gusali at ilan pang mga imprastraktura.
Isa na rin sa mga dahilan kung bakit naalarma ang mga Nepalese workers na gumagawa sa kanilang pavilion sa Expo site kung kayat nagsiuwian ang mga ito ng wala sa oras.
Ilan sa mga trabahador ang mga namatayan ayon kay Rajesh Chauguthi isang Nepalese na nakatalga sa Nepal pavilion. Bakas sa mga mata nito ang lungkot habang kinukuwento ang pakakataranta nila nang malaman ang pangyayari.
Ayon kay Chauguthi, sa mahigit labin limang trabahador na gumagawa ng kanilang pavilion ay apat na lamang silang naiwan dahil ang iba ay umuwi sa Kathmandu, Nepal.
Kahit pa ginagawa ang pavilion ay binuksan pa rin ito sa publiko subalit may mga bahagi pa na hindi puwedeng pasukin dahil sa tinatapos pa ito.
Makikita lamang sa kanilang pavilion ang mga nakasabit na posters kung saan makikita ang kanilang mga pangunahing produktong pang agrikultura.
At sa gitna ng pavilion ay nakatayo ang prototype temple ng naturang bansa.
Samantala, sa tulong ng mga organizers ng Expo at grupo ng mga Italian restaurants na itinayo sa naturang lugar, naglagay sila ng isang malaking kahon sa gitna ng Expo site upang humingi ng donasyon sa publiko.
Bata, matanda, iba’t ibang lahi ay nagbigay ng donasyon, at ang konting halaga ay malaking tulong na ito para sa bansang Nepal.
At maliban dito ay mayroon din isang maliit na kahon na inilagay sa pavilion ng Nepal.
Nakatakdang ipamahagi ang nalikom na donasyon mula sa publiko para sa mga biktima ng lindol sa nasabing bansa sa darating pang mga araw, at ang kahon ay mananatili sa kanyang kinalalgayan hanggang sa magsara ang Expo sa darating na Oktubre ng taong kasalukuyan.
Sinabi pa ni Chauguthi, nakatakdang dumating ang labing limang Nepalese sa mga darating na araw dala ang iba pang mga produktong ipapakita sa publiko, at pag dating nila, aniya ay uuwi na rin siya sa Kathmandu upang asikasuhin ang kanyang pamilya at mga nasira nilang ari-arian.
“Thank you very much, please, please pray for Nepal.” pumatak ang luha nito habang nagpapasalamat sa lahat.
ni: Chet de Castro Valencia
larawan ni : Laurence Omana