in

Dott.ssa Jerilyn Tan Balonan, unang Pinay na duktor sa Roma

Roma, Pebrero 3, 2014 – Si Jerilyn Tan Balonan ay lumaki sa San Juan, Manila. Nag-aral ng grade school at high school sa ICA (Immaculate Conception Academy). Nag-aral ng Physical Therapy sa UERMMMC at nagtapos ng Medicine sa University of Santo Tomas. 
 
Dumating sa Italya taong 2008, dahil ang mamuhay at mag-trabaho bilang duktor sa bansang Italya ang talagang kanyang nais. Ganap na naging duktor sa Italya taong 2011 sa Tor Vergata University.
 
Ngunit, tulad ng lahat na nagnais lumabas ng bansang Pilipinas ay nahirapan din si Jerilyn. Bago makuha ang entry visa sa Italian Embassy sa Maynila, ay walang katapusang mga papeles ang kanyang iprinisinta. Ito ang unang pagkakataon ng kanyang  pagharap sa kilalang “burocrazia italiana”. Itinuturing ito ni Jerilyn na pinakamalaking balakid sa pangarap ng mga migrante. 
 
“Napakadaming papeles, timbro, certificati, at pilahan, bago ko naayos lahat ng papeles”, ayon kay duktora. 
 
Maraming interview ang pinagdaanan ni Jerilyn, bagaman isa na syang ganap na duktor. Ilang proof of admission sa Tor Vergata University ang paulit-ulit na hiningi sa Italian embassy kasabay ng paulit-ulit na katanungan kung bakit gustong mag-aral ulit ng medisina ng Pilipina sa Italya. 

 
Gayunpaman, lahat ng hamong ito ay kanyang nalampasan. Maging ang Italian language, para sa Pinay, ay hindi naging mahirap. Marahil dahil mahilig talaga siyang mag-aral ng iba’t ibang wika at ibang kultura. Bukod dito, ay ilang beses ng binisita ni Jerilyn ang Italya simula 2003 bilang medical student.  
 
Bukod sa tulong pinansyal ng mga magulang, ay tinulungan ni Jerilyn na matustusan ang lahat ng pangangailangan, sya’y naging isang working student. Nagbigay ng english lessons sa mga Italians at nag-translate ng mga scientific articles from Italian to English.
 
Discrimination? Mayroon bang pagkakataon bilang isang mag-aaral na dayuhan, o bilang isang ganap na doktor, na naramdaman mo ito?
 
Oo, bagaman madalang lang ang diskriminasyon na naranasan ko sa Tor Vergata. Pero may ibang nationality na doctor din, na nag-aaral din kagaya ko, na hindi maayos ang pagtrato sa akin. May halong inggit, dahil mabilis ang pagpasa ko sa exams, at hindi ko kailangan magtrabaho full time kagaya nila. Na-shock ako dahil mas masama ang ugali nila kaysa sa mga italyano. Marami rin akong kaibigang italiano. Pero may naging kaibigan din akong mga taga ibang bansa, Ecuador, Ucraine, Israel, Albania, Slovenia. Sa totoo lang, maganda ang experience ko sa university as a student. Discrimination is the exception, not the rule.
 
Nung naging ganap na duktor ako, nakaranas din ako ng discrimination sa trabaho. “Dahil may mga fake na tao tulad ng mga secretaries, medyo galit kasi ikaw na para sa kanila “colf” mas mataas pa ang posisyon sa kanila”, kwento ni duktora sa Ako ay Pilipino. 
 
“Para sa akin, may diskriminasyon sa lahat ng parte ng mundo. We have two choices on how to deal with discrimination: be  constructive or destructive. Ginamit ko ang experiences ko as inspiration to achieve my goals and prove that Filipinos are not just unqualified workers abroad”.  
 
Ngayong doktor ka na, nais mo bang bumalik sa Pilipinas o ang manatili sa Italya? Bakit?
Ano ang iyong maiiwang mensahe sa ating mga kabataang Pilipino na naghahangad na maging isang doktor din?
 
“Sa ngayon mananatili muna ako sa Italya kasi kailangan kong magtrabaho at gusto ko  din ang pamumuhay dito. Maganda ang city, mas malinis ang hangin (kaysa sa Manila). Gaya nga ng sinabi ko sa embahada natin at sa filipino communities sa Roma. HEALTH IS GOLD, kaya kailangan nating alagaan ang kalusugan. Maraming Pilipino, lalo na ang mga nakakatanda at mga bata, ay namamatay ng walang rason sa winter time. Dapat natin itong maiwasan, at gusto kong ipaalam sa komunidad na may isang Pilipinong duktor na may lisensya at miyembro ng Ordine dei Medici di Roma na graduate ng UST medicine. 
 
Inaral ko ang mga sakit na specific sa mga Pilipino, galing ako sa kulturang pilipino, naiintindihan ko ang salita, nababasa ko ang mga signs and symptoms kahit na hindi nila sinasabi. Ang Pilipino kasi matiisin. Kung pwedeng magtiis hindi magpapatingin. Gusto kong ipaabot sa kanila na kung hindi nila inasikaso ang kalusugan ngayon, magiging “too late” na sa huli”. 
 
Bilang Pilipino, paano matutulungan ng iyong propesyon ang ating mga kababayan sa Roma?
 
Pwede akong mag-organize ng house visits, para ako ang pupunta sa bahay nila. Ako ay isang private doctor, at propesyon ko ito, pero ang professional fee na hinihingi ko sa mga kababayan ko ay 60% lower than Italian fee. Ito po ang kaya kong i-offer sa aking community.
 
Matatagpuan ang studio medico ni Dott.ssa Jerilyn Tan Balonan sa Via Alberico Crescitelli, 90 – Rome. Tumawag lamang sa tel num 0644235600 o 3270916719
 
Click to rate this post!
[Total: 20 Average: 4.3]

VIVA SEÑOR SANTO NiÑO

Halaga ng kontribusyon para sa 2014