Roma, Enero 31, 2014 – Ang Ed Frisnedi Cup ay isang torneo alay sa isang miyembro ng Pinoy Darters in Rome na sumakabilang buhay kamakailan lamang dahil sa renal failure. Minarapat ng grupo ang mag-organisa ng maliit na torneo bilang pagpugay, pagkilala at paggunita kay Ed na taus-pusong sumuporta Pinoy Darters noong nabubuhay pa.
Tinanghal na nanalo ng doubles sina Rene Buenavente at Arben Dimaranan at runners up naman sina Ronell Estoy at Wendell Manrique noong ika-6 ng Enero sa Sala Biliardo. Mula sa dalawampung manlalaro ay nagkaroon ng 10 pares sa pamamagitan ng blind draw. Double round robin elimination ang ginamit nilang sistema kung saan ang mga nanalo sa winners’ bracket at ang mga nanalo sa losers’ bracket ang siyang aabante sa sunod na round. Ang elimination round 2 out of 3 games ng 501 ay kung saan ang sino mang magkaroon ng 2 talo ay automatic nang out sa tournament. Samantala, 701 naman ang nilaro ng sa losers’ bracket. Ang pair na aabot sa finals na walang talo ay ‘twice to beat’ ng pair na mananalo sa losers’ bracket.
Ang perang nalikom sa nasabing palaro ay iniabot ng grupo kay Ogie Shianghao, ang bayaw ni Ed. Lubos naman ang pasasalamat ng pamilya ni Ed sa grupo ng Pinoy Darters in Rome kasama na rin ang AS Fil-Roma at ilang manlalaro mula sa PPCR para sa tulong na naibigay sa pamamagitan ng torneo. (Jacke De Vega)