in

Edmar, natagpuan na

Ang binatilyo ay natagpuan ng mga awtoridad ng Comune di San Candido noong nakaraang Biyernes sa probinsya ng Bolzano. Mayroong dalang 30 euros at sakay ng kanyang bisikleta ay nawala ang may kapansanang binatilyo noong nakaraang Huwebes.

Rome, Setyembre 18, 2012 – Ang paglalakbay ni Edmar ay nagtapos sa lalawigan ng Bolzano.Ang batang Pilipinong may kapansanan, (pipi at bingi) na nawala noong nakaraang Huwebes sa Parma, ay natagpuan ng mga awtoridad ng Comune di San Candido noong Biyernes malapit na sa Austria habang papasok sa isang  restaurant ng Trento.

Natuklasan ng ama ni Edmar ang pinaplano ng binatilyong paglalakbay sakay ng kanyang bisikleta na naging sinhi ng matinding pagkabahala nito.

"Nasa mabuting kalagayan si Edmar –pahayag ngkanyang ama. Bahagyang pumayat at tila pagod dahil hindi sya nakatulog ng ilang araw”.

Ayon sa mga unang pahayag ng binatilyo, sa kalye ito natulog ng ilang araw at halos walang hinto ang pagbibiyahe. Samanatala, nanghingi naman ng pagkain sa mga nakakasalubong na tao sa araw araw, nanghingi din diumano ng barya ang binatilyo. Gayunpaman, walang pahayag ukol sa mga dahilan kung bakit umalis ang binatilyo ng walang paalam. “Ang mahalaga sa ngayon ay natagpuan namin sya sa mabuting kalagayan”, pagtatapos na ama.  

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga kumpanya, naghihintay pa rin ng mga paglilinaw

Halos 800,000 ang mga mag-aaral na dayuhan sa Italya