Isang mahalagang pagtitipon ang ginanap noong nakaraang Huwebes, ika 12 ng Mayo, ukol sa imigrasyon ng mga bansang Pilipinas, India at Sri Lanka. Ito ay sa pakikipga tulungan ng Caritas, Camera di Commercio at ng Provincia di Roma, sa pamamagitan ng iba’t ibang asosasyon, mga dayuhang konsehal, at ng grupo Migrantes.
Unang ipinakilala ang Pilipinas bilang isang bansa na biunubuo ng 7,000 island. May popolasyong umaabot sa 90 million at tinatayang halos 11 million ang mga ofws na nilisan ang bansa upang makipagsapalaran sa ibayong dagat.
Naging mahalaga sa pagtitipon ang mga pananalita nina Ambassador Romeo Manalo, ng Konsehal ng Comune di Roma si Romulo Salvador, ang sumubaybay sa pamumuhay kristiyano ng mga Pilipino na si Suor Gloria Agagon.
Pinag-usapan sa naging pagtitipon ang naging mga yugto sa may higit na isang siglo ng kasaysayan ng migrasyon ng mga Pilipino at pati ang naging positibong resulta nito sa larangan ng remittances.
Nagsimula noong 1905, ng dumating ang mga unang manggagawa sa Hawaii at pagkalipas ng 30 taon ay umabot ng 120,000 ang bilang nito. Ang ikalawang yugto ng mga propesyonal ay nagtungo ng US bilang mga guro, dentista at technicians. Ang ikatlong yugto, kahit na pansamantala, ay nagsimula noong 70s, patungo sa Gitnang Silangan, sa mga bansang mayaman sa langis. Sa ikaapat na yugto, ay nag-umpisa ang pangingibang bayan ng mga kababaihan at naging isang importanteng bansa ang Italya. Sinuportahan ng rehimeng Marcos ang migrasyon ng mga kababaihan bilang posibleng sagot sa krisis sa ekonomiya at ito ang naging dahilan ng pagdami ng mga recruitment agencies (pati ng mga illegal recruitment agencies) sa panahon ng 80s.
Ayon sa POEA (Philippine Overseas Employment Administration) ngayon ay tinatayang 2,000 araw araw ang mga Pilipino na umaalis ng bansa sa pamamagitan ng ang 1600 opisyal na ahensiya sa emigration, at bawat taon ay umaabot ng 1.3 milyong Pilipino ang nagtutungo ng ibang bansa. Ngunit kahit na mga nakatapos at mataas ang antas ng pinag-aralan ng mga Pilipino, ang karaniwang hanapbuhay ay mga domestic helpers, caregivers, maids, cook at waiters; sumunod ang iba pang mga propesyonal tulad ng doktor, inhinyero at guro at panghuli ay bilang mga seamen na tinatayang aabot sa halos 261,000 ang kabuuang bilang sa buong mundo.
Noong 2009, umabot sa higit sa 18 bilyong dolyar ang remittances mula sa iba’ ibang parte ng mundo, katumbas ng 10% ng GDP. Ito ay hindi lamang upang mabawasan ang kahirapan ng pamilya kundi pati sa pagtatapos sa pag-aaral sa kanilang mga anak. Ang mga ipinadala mula sa Italya ay higit sa 800,000,000 € ay ang ika-apat sa pinakamalaki matapos ang Estados Unidos, Saudi Arabia at Canada.
Itinuturing na ekonomiya ng Pilipinas ang ‘ekonomiya ng migration’, na kung saan makikita ang patuloy na kakulangan sa agrikultura at pagmamanupaktura .
Kahit na ang Banko Sentral ng Pilipinas ay bumubuo ng mga bagong patakaran sa regulasyon ng merkado ng remittances, bukod sa iba pang mga bagay tulad ng pagpapahintulot sa pagpasok ng mga bagong service provider (tulad ng mga kompanya ng telepono), upang huwag asahan bilang pagkukunan ng kaban ng bayan ang pangingibang bayan ng mga Pilipino.
Ang unang pagdating ng mga Pilipina sa Italya bilang mga colf ay nagsimula noong 70s. Naaakit diumano ang mga Pilipino sa Italya dahil sa pagiging katoliko ng bansa nito, kumpara sa ibang bansa sa Europa. Maganda ang pagtanggap ng Italya sa mga Pilipino na naging daan ng madaling pag-ahon sa kahirapan ng mga pamilya nitong naiwan sa bansa. Ito ang naging dahilan ng pagdagsa ng mga Pilipino sa Italya.
Sa katapusan ng 2009 ang mga Pilipino sa Italya ay umabot ng 123,584 at 6 sa bawat 10 ay mga babae. Ikaanim na bansa pagkatapos ng Romania, Albania, Morocco, China at Ukraine.
Isang komunidad na kilala bilang mga colf habang sinusubukan ang pagnenegosyo sa pamamagitan ng mga travel agencies at catering, lalo na ngayon na nararandaman ang epekto ng kawalan ng trabaho.
Ang presenya ng mga Pilipino ay nasa North (40.1%) at Central (34.7%) at mga lalawigan ng pinaka malaki ang presensya ay ang: Milan 38000, 28000 Roma, Florence 5800, Bologna 5200, Torino 3200, Modena 2800, Messina, Piacenza, Padua 2000.