Ang Movement for the Empowerment of Overseas Filipino Workers (MOVE-OFW) ay nagdaos ng General Assembly at eleksyon ng Executive Committee noong Linggo, Disyembre 11, 2022 sa Via Conte Verde 17, Milan Italy. Kasama ring ginanap ang pagratipika ng Constitution and By-Laws, paglalahad ng mga nagawa ng iba’t ibang komite at ng Execom, at ang halalan ng mga bagong opisyal. Si Mr Ed Turingan, tagapagtatag ng MOVE OFW, ay nahalal bilang Pangulo at siya ang nag-iisang nominado para sa posisyon.
Ang iba pang nahalal na opisyal ay sina:
- VP for Internal Affairs, Sheila Aviso,
- VP for External Affairs, Thereza de Padua,
- Secretary General, Winda Andaya,
- Deputy Secretary, Carleth Rabunan,
- Treasurer, Maribel Dabo,
- Asst Treasurer, Leonora Ignacio at
- Auditor, Marilyn Odper.
Ang nasabing eleksyon ay pinangasiwaan nina G. Rodel Dimatulac, Chairman, Gng Josephine Pasco at G. Richie Juan at mga miyembro.
Ang mga Leader at Asst. leaders naman ng Iba’t-ibang komite ay ang mga sumusunod: SPID/Bonus- Sonny Lacbay, Vanessa Lumbao at Ghee Calingasan; Consulare– MJ De Leon , Chacha Sanchez at April Ann Blando: ATM/Tessera Sanitario Grace Lopez. Rushell Ocampo at Genalyn Garnace, Appuntamenti: Catherine Rebollo, Eden Mendoza at Wilma Bondoc.
Ang Move OFW ay naitatag sa pamumuno ni Turingan sa kasagsagan ng pandemya at binubuo ng mga volunteers na pinagbuklod ng diwa ng pagkakaisa, integridad at pagkakapantay-pantay. Ito ay naglalayong mapaunlad ang kakayahan at tiwala sa sarili ng bawat miyembro at makatulong sa kapwa ng buong puso na walang hinihinging anumang kapalit o bayad.
Ang grupo ay patuloy na tumutugon sa mga pangangailangan ng libo libong mga kapwa Filipino na makakuha ng mga appointment at serbisyo mula sa iba’t-ibang sangay ng gobyerno ng Italia at Pilipinas gaya ng mga sumusunod: etravel, appointment para sa passport application at renewal, OEC, OWWA, PAG-IBIG, SSS, consular services tulad ng mga Notarials at certificates Milan Ristorazione, Carta Acquisti, Assegno Unico, Bonus Gas Luce, Bonus Spesa, Bonus Sociale, Bonus Vacanze, Asilo Nido, Bando Casa, Dote Scuola, Kit Soggiorno, Reddito Di Cittadinanza, Sostegno al Reddito, Primo Residenza, Cambio Indirizzo, Cassacolf, registrazione SPID, SPID Recupero e Cambio Password, , Posta SPID Appointment, Bonus 200, Bonus Affitto Bonus Trasporti , Registrazione Online Agevolazione ATM Appointment , Tessera Under 11, Esami Visita Online, Esami Visita Appuntamento Esenzione senza SPID Esenzione con SPID Revoca/Cambio Medico senza SPID Revoca Cambio Medico con SPID Rinnovo Tessera Sanitaria senza SPID Rinnovo Tessera Sanitaria con SPID, Appuntamento Vaccino ,Appuntamento INPS, Cambio residenza ,anagrafica, stato di famiglia/certificati, Test Lingua Italiana, Carta d’identità, Estratto conto INPS, Dimora, appuntamento Agenzia delle Entrate.
Matatandaang pinangunahan ng Movement for the Empowerment of Overseas Filipino Workers (MOVE-OFW) ang idinaos na Consulattion Meeting sa Milan kasama sina Chairman of the Senate Committee on Migrant Workers Senator Raffy Tulfo at Administrator Arnell Ignacio. Sa nasabing forum, kung saan dumalo din ang mga filcom leaders sa North Italy, ay tinalakay ang mga programa at reporma para sa mga Ofws at mga hinaing, proteksyon, kapakanan at empowerment ng mga Ofws sa ilalim ng bagong tatag na Department of Migrant Workers.
Ang organisasyon ay naglalayong mas palawakin pa ang maraming libreng tulong sa lahat ng OFW at migranteng manggagawa dito sa Italya at walang tigil na nagsasaliksik at nagsasagawa ng mga pagsasanay para sa mas mabilis at mahusay na pagbibigay ng serbisyo. Ang kanilang facebook page na https://www.facebook.com/groups/ofw.movers ay patuloy na umaani ng libo libong followers na nabibigyan ng mga up-to-date na travel entry requirements sa Pilipinas, mga mahahalagang anunsiyo mula sa Philippine Consulate at iba’t ibang sangay ng Italian Government gaya ng mga Bonus at Bando Casa na kung saan maraming kababayan ang nabibiyayaan.