in

Eleksyon sa Disyembre, tulad ng nasasaad sa Statute – Consiglieri Aggiunti

Eleksyon sa Disyembre, tulad ng nasasaad sa Statute – Consiglieri Aggiunti Kuzyk , Godoy , Okeadu at Salvador laban sa naging pahayag ni Di Francia : "Personal niyang opinyon o ito ang posisyon ng kasalukuyang alkalde? Nais nilang magpatuloy ang bigyan ng boses ang mga imigrante?"

Rome – Oktubre 21, 2013 – Hindi na kailangang pag-isipan pa ang pagkakaroon ng mga Consiglieri Aggiunti. Ang Statute ng Roma Capitale ay malinaw: hanggang sa Disyembre 15 ay kailangang magkaroon ng eleksyon. Ito ang naging posisyon nina Tetyana Kuzyk , Madisson Godoy Sanchez , Victor Emeka Okeadu at Romulo S. Salvador , mga kinatawan hanggang sa kasalukuyan ng mga imigrante sa Roma, matapos ang naging pahayag na pag-aalinlangan ni Silvio Di Francia sa isang panayam ng Stranieriinitalia.it. Ang kasalukuyang Delegato del sindaco ai diritti civili e di cittadinanza ay nagnanais na magtatag ng special committee, kung saan magiging bahagi ang lahat ng mga grupo sa Campidoglio, “upang tawagin at pakinggan umano ang mga komunidad at mga asosasyon, upang hingin ang opinyon ukol sa halaga ng pagkakaroon ng kinatawan bilang boses ng mga mamamayang dayuhan”.

“Personal bang opinyon ito ni Di Francia o ang plano ni Mayor Marino? Tanong ng apat na kinatawan. Sa pagtatalaga sa tungkulin sa kasalukuyang alkalde ay kinumpirma sa programa nito ang pagnanais na ipagpatuloy ang pagkakaroon ng mga kinatawan ng mga imigrante sa pamamagitan ng mga Consiglieri Aggiunti, sinimulan ni dating mayor Veltroni at ipinagpatuloy naman ni Alemanno.

"Nais bang magpatuloy bigyan ng boses sa loob ng Konseho ang halos 400,000 imigrante na nagtatrabaho at nagbabayad ng buwis sa Roma bilang pinaka mataas na representasyon sa institusyon at magkaroon ng kinatawan?” – katanungang naka-agaw pansin sa 4 na tinanggihan ang kahilingan ng pagkakaroon ng extension sa katungkulan bilang pabor sa nakatakdang halalan.

Inihayag pa ng 4 na kanilang dadalhin sa Committee on Regulations “ang pagbabago sa panukalang baguhin ang Regulations para sa eleksyon ng Consiglieri Aggiunti, na isinulong, batay sa karapatan, ng mga konsehal, alinsunod sa pagtitipid gayun din higit na karapatan upang maging mas epektibo ang tungkulin sa loob ng konseho. Umaasa kami – pagtatapos ng 4 – na ang susunod na eleksyon ay itakda sa nalalapit na Disyembre 15 tulad ng nasasaad sa transitory norms ng Statute”.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Social card, para rin sa mga imigrante – Legge di Stabilità

Social card para sa mga imigrante, kumpirmado sa Legge di stabilità