in

Elmer Clemente, pambato ng mga Pinoy sa Bowling

Elmer Clemente, pambato ng mga Pinoy sa Bowling

Sino ba ang hindi nakakakilala kay Elmer Clemente sa larangan ng boling. Kung titignan natin ang record niya sa Federazione Italian Sport Bowling, kasama siya sa 1st 500 na rango sa antas pambansa. At pumalo siya sa pang 80 pwesto. Dito naman sa Toskana, pangalawa ang bigating Bulakenyo. 

Pansamantala natin iwanan ang rango niya sa buong Italya at sa Rehiyon ng Toskana. Lahat na yata ng kategorya ay kinopo ng ating kababayan. 

Naging kampeon sa Single Category ng nagdaang Torneo Nazionale nitong Oktubre 2002 na ginanap sa Toskana, hindi lang sa single, nanguna din sa Doppio sa Torneo Nazionale noong 2003, TRIS noong Torneo Nazionale taong 2000 at sa Squadra Quatro (ACNB) Torneo Nazionel din noong 1999. Hindi lang ang mga yan. 

Sa isa na naman Torneo ng mga bigatin manlalaro, pumanlima (5th) si Elmer sa Single Category ng maglaban-laban ang 250 manlalaro ng Bowling sa loob ng magkakasunod na araw. Ang Torneo ay sasabak sa 30 laro sa loob ng isang linggo at aabot ng 120 laro sa loob ng isang buwan. Nangyari ang matira matibay na laban na ito sa San Romanodi Pisa noong Pebrero 21, 2021. 

Isa pang di malilimutan ng ating kababayan ang pagsali niya kung saan quarter finals ang kanyang inabot. Kahit hindi umabot sa Finale, para sa kanya ay tagumpay na ito. Dahil sa 5,000 manlalaro na lumahok, ay inabot niya ang pangwalong rango sa nasabing laban. 

Nagsimula ang lahat sa isang libangan. Palibhasa at bigatin ang timbang, pinili niya ang isang Palakasan na hindi gasinong pisikal ang laban. Sa halip ay diskarte at matatag na pulso lamang ang puhunan. Sinabi ni Elmer sa Ako ay Pilipino “isang araw ay makikilala din ako sa isang Sports“, taas noo at nakangiting isinasalaysay ang simula ng kanyang pasyon sa boling. 

Masayang ipinagmamalaki ng ating kababayan na ngayon ay nagtatrabaho bilang caretaker sa isang BnB Residence Hotel sa Munisipalidad ng Lari. May isang pagkakataon na nalathala na rin siya sa isang magazine sa Brescia taon 1996. Noong 1997 ay napabilang na siya agad sa Pisa Bowling Club matapos siyang mamirmihan sa syudad ng Leaning Tower. 

Si kabayan Elmer ay 52 taon gulang, at kasal sa kanyang kabiyak na si Erlinda Clemente, biniyayaan ng 2 anak, isang babae at lalaki. 

Sa kanyang panghuling salita, ’’magaan sa puso na minsan ay dinala ko ang bandila ng Pilipinas, masarap palang pakiramdam na itaas ang ating noo at ipakita na tayong Pilipino ay maaring magbigay ng karangalan sa bansa, sa maliit nating paraan”, aniya ni Elmer Clemente. (Ibarra Banaag)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ako ay Pilipino

Dichiarazione dei redditi 2021, obligasyon ba sa domestic job?

Mandatory quarantine, tinanggal na sa mga turista mula EU, UK at Israel