in

ELVIRA RICOTTA ADAMO, dugong Pilipina sa puso, sa isip at sa gawa!

Rome – Ipinanganak sa Maynila si Elvira at nanatili sa mga Franciscan sisters sa mga unang araw at buwan ng kanyang buhay. Dito ay nakilala ang kanyang nakamulatang mga magulang. Lumaki sa Piazza Armerina, Sicily sa ilalim ng pag-aaruga ng kanyang biological parents.

altSa murang edad ay naramdaman ni Elvira ang pagiging iba dahil na rin sa realidad ng kinalakihang probinsya. “Hindi ko malilimutan ng sabihin ng isa kong guro sa grade school na: Tulungan nyo si Elvira, nangangailangan sya ng tulong. Iisa kami ng wika at kasabay kong lumaki ang aking mga kaklase, ano ang ipinag-iba ko sa kanila? Ang aking palaging tanong sa sarili”.

“Dalawa lamang kaming Pilipina sa Sicily, si Maria, tulad ko rin sya na inampon sa unang buwan ng kanyang buhay. Naramdaman ko ang tunay na pagmamahal mula sa aking mga magulang, hindi ako nagkulang sa anumang bagay. Natatandaan ko na bumili pa sila ng mga libro, video tapes at mga cds upang matutunan ko kung paano bumilang sa tagalog”.

Ngunit patuloy na isang matayog na pangarap ang makadaop-palad ang mga kababayan at mabisita ang bansang sinilangan, ang Pilipinas.

Ito ang katotohanang nagtulak sa dalaga upang harapin ang totoong hamon ng buhay, ang maging lingkod sa mga nangangailangang tulad niya at maramdamang tanggap ng lipunang kanyang kinagisnan.

Sa edad na labing-anim ay naging volunteer sa Movimento Giovanile Salesiano upang makatulong sa mga batang lansangan ng sariling bansa. Dinaluhan ang korso ng VIS (Voluntariato Internazionale per lo Sviluppo) sa paghahangad na makarating din sa mga bansa sa Africa.

Nakatapos ng High School ng may pinakamataas na grade at nag-enroll ng Law sa University ng Catania. Ito ay upang ipagpatuloy ang paghahahangad na makatulong sa mga nangangailangan.

Sa ikalawang taon ng pag-aaral ay nakilala ang UDU (Unione degli Universitari) at matapos makita ang angking kakayahan ng dalaga ay naging Tagapangasiwa ng Pari opportunità noong 2010. Sya ay naging instrumento upang harapin ng Catania ang Opera Nomadi. Sa kasalukuyan ay kabilang ng National Directive ng UDU sa Roma at nangangasiwa ng mga usapin ukol sa karapatang sibil at mga forum, external communication at press release, Immigration and Second generation gayun din ng mga Quota courses sa mga unibersidad.

altTaong 2010 ng naging aktibong miyembro ng CGIL ang dalaga at hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na makabuluhan ang kanyang presensya.  

 “Malakas ang aking paghahangad na makatulong at ito ay hindi ko ipagkakait sa aking mga kababayan. Para sa ikalawang henerasyon ay nais kong bumuo ng grupo ng mga kabataang Pilipino nag-aaral sa unibersidad. Pangarap ko ring matutunan ang aking sariling wika dahil ito ang tatak ng pagiging tunay na Pilipino. Sa aking mga kababayan, salamat sa inyong pagtanggap sa akin”.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bersani: “Kabilang sa aming programa ang karapatang bumoto ng mga migrante”

Table manners for casual meals