Sa magkahiwalay na Advisory, ay ipinapaalam sa mga Pilipino sa Italya ang muling pagbubukas mula Mayo 18, 2020 ng Embahada ng Pilipinas sa Roma at ng Konsuladong Panlahat ng Pilipinas sa Milan, alinsunod sa Dekreto ng Presidente ng Konseho ng mga Ministro ng Italya (DPCM — Decreto del Presidente del Consiglio dei Ministri), na nilabas noong ika-26 ng Abril 2020.
Ang Embahada ng Pilipinas sa Roma ay bukas ang seksyong Konsular, mula 10:00 AM hanggang 3:00 PM, upang tugunan ang mga sumusunod na serbisyo:
1. Releasing ng passport, certificato, at notaryadong dokumento na available na bago ang lockdown
(Upang makumpirma kung ang iyong passport ay available na, pumunta sa website ng Embahada sa pamamagitan ng pag-click ng link na ito: https://romepe.dfa.gov.ph/)
2. Emergency travel document
3. Report of Death at pag-apply ng Nulla Osta
Ang Embahada ay striktong magpapatupad ng appointment system at paggamit ng face mask sa loob ng Embahada.
I-click lamang kung paano kumuha ng appointment.
Ang passport application at iba pang serbisyong konsular ay kasalukuyan pa rin pong suspendido.
Para sa requests for Assistance to Nationals at iba pang emergency, mag-email lamang po sa rome.pe@dfa.gov.ph o tumawag sa (+39) 328 6907613 / (+39) 334 6582118.
Samantala, ang Konsuladong Panlahat ng Pilipinas sa Milan ay unti-unti na ring magbubukas sa publiko simula sa 18 May 2020,
Sa kanilang pagbubukas simula 18 May 2020 hanggang 29 Mayo 2020, ang pagri-release/pagriritiro lang ng bagong pasaporte ang pwedeng gawin at ito po ay kailangan ng appointment.
Ang mga emergency documents kaugnay sa mga namatayan, maysakit o na-aresto ay pwede pa ring gawin na walang appointment. Ang regular na serbisyo ng Konsulado, POLO/OWWA, SSS at Pag-IBIG ay mag-umpisa sa ika-1 June 2020.
Antabayanan ang mga detalye kung paano kumuha ng appointment para sa pagrelease/ritiro ng bagong pasaporte sa susunod na mga araw, sa website at Facebook Page ng Konsulado.
Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring sumangguni sa Facebook page ng Embahada at ng Konsulado.