Panalangin ng lahat na matapos na ang dinaranas na krisis dulot ng pagkalat ng Covid-19 virus sa buong mundo. Mahigit isang taon na ito at papalit-palit ang mga protocols partikular ang mga paraan upang maiwasan ang pagkalat ng nasabing virus, bagkus ay nananatiling paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng maskara, at pagpapanatiling malusog ang tanging sinusunod ng mga mamamayan.
Hanggang sa umabot na ang 2nd wave at doon na isinagawa ang mga swab testing hindi lamang dito sa bansang Italya kundi sa buong mundo habang ang mga Pharmaceutical companies ay naghanap ng antidote nito.
Sa panayam ng Ako ay Pilipino news kay Adel Mercado, isang OFW ng mahigit 26 na taon na sa Italya at Founder-President ng Mindoro Tamaraw Overseas Association, kasalukuyang isang domestic helper na naninilbihan sa kanyang amo na isang News Anchor ng Mediaset.
Sinabi niya na mula nang magsimula ang swab testing ay halos linggo-linggong kasama ang employer ay kinukuhanan sila ng dugo ng kanilang doktor upang malaman ang kanilang status sa gitna ng nasabing krisis sa pamamagitan ng SARS CoV2 Serologic testing.
“Sabi ng amo ko tuwing lunes kami kukuhanan ng dugo, dahil kung sa akin naman hanggang biyernes ang trabaho ko, day-off ko ng sabado at linggo. Ang sabi ng amo ko hindi natin masasabi kung saan ako nagpunta at baka sa napuntahan ay kapitan ako ng virus.” kwento ng founder-president.
Dagdag pa niya, sa kanilang kasunduan, ang kanyang amo ang nagbabayad ng kanyang Covid test. Sa katunayan ay una silang sumailalim ng nasabing testing noong November 2020, at umabot na ito ng halos 4 na buwan. Isa rin umano itong requirement sa Mediaset kung saan kasama si Mercado dito.
Sa kasalukuyan ay hinihintay pa nila ang abiso mula sa Italian Health Ministry kung kailan sila sasailalim ng Anti-Covid Vaccine. At tanging mga frontliners lamang ang sumailalim sa nasabing Vaccine.
“Kung tatanungin naman ako kung gusto kong magpabakuna ng Anti-Covid ay hindi ko pa masasabi dahil linggo-linggo naman minomonitor ng doktor ang status namin mag amo.” Paliwanang ni Mercado
Sinabi pa niya na kung sakaling may biso mula sa kumpanya ng kanyang amo na puwede na silang magpabakuna ay ikukunsulta muna nila ito sa kanilang private doctor.
Base sa Ministero della Salute ang Calendar of Covid-19 Vaccine ay nahahati sa apat na phases ang schedule ng pag bakuna para sa buong taon 2021
January – March 20201 (phase1)
- Long term patients
- Health and social health workers
- Persons aging 80 and above
April – June 2021 (phase2)
- Persons with grave comorbidity or immunedeficiency
- High priority school staff
- Persons aging 60 and above
July – September 2021 (phase3)
- Essential service workers
- Prisons and Communities
- Persons with moderate comorbidity
- School staff and teachers
October – December 2021 (phase 4)
- The whole population
http://www.salute.gov.it/portale/vaccinazioni/homeVaccinazioni.jsp
“Sumunod tayo sa mga protocols, at mag-ingat, pero hindi natin maasahan kung napapapunta tayo sa mga kaibigan, pero it’s better na lang to stay at home, at kung wala ka naman talagang importanteng gagawin o pupuntahan at hindi essential. Kasi ang Covid ay hindi biro, talagang pumapatay ito, walang sinisinu-sino.” panawagan ni Adel.
Si Adel Mercado ang isa sa mga beteranong event Photographer mula 2004 hanggang sa kasalukuyan dito sa Milan. (Chet de Castro Valencia)