Ang pagiging dalubhasa ng komunidad sa service sector ay maituturing na naging proteksyon nito sa panahon ng krisis.
Roma – Ang kasaysayan ng migrasyon ng mga Pilipino sa bansa ay patuloy na tumutugon sa mga pangangailangan sa serbisyo ng mga pamilya. Sa katunayan, 70% ng mga manggagawang Pilipino ang nasa service sector (kumpara sa 31% ng ibang non-European communities) at higit naman sa 90% ang nakikinabang sa propesyong ito ng komunidad.
Ang pagiging dalubhasa ng komunidad sa sektor ay maituturing na naging proteksyon nito sa panahon ng krisis. Sa katunayan, ito ang sektor na hindi halos apektado ng krisis. Ito ay mapapatunayan sa unemployment rate ng kominidad, 6.9% kumpara sa 17.4% ng ibang non-European communities.
Ang mga Pilipino na walang trabaho hanggang Jan 1, 2015 ay 10.278. Samakatwid, sa bawat 100 mamamayang Pilipino, may edad mula 15-64, 80 ang nagrere-sultang mayroong trabaho, 6 ang walang trabaho at 14 naman ang naghahanap ng trabaho.
Sa taong 2014, 72,000 ang mga domestic workers na mga Pilipino, katumbas ng 64% ng kabuuang bilang ng mga Pilipino at 15.6% naman para sa ibang non-European communities. Samantala, 40,000 ang mga Pinoy na mayroong contratto di lavoro. Tumutukoy sa 78% (halos 31,000) ang mayroong lavoro a tempo indeterminato habang 8,000 naman ang mayroong lavoro a tempo determinato at halos 993 naman ang nasa sektor ng agrikultura.
Noong 2013, 1203 mga Pilipino ang nagkaroon ng aksidente sa trabaho o ang 2% ng kabuuang bilang ng mga aksidente s atrabaho. Ang ikalimang komunidad sa laki ng bilang ay ika-18 namang komunidad kung aksidente sa trabaho ang pag-uusapan. At ang bilang ay patuloy sa pagbaba: mula 1296 noong 2010 sa 1203 sa taong 2013 (-7.2%).
Noong 2014, nagkaroon ng 43.683 bagong kontrata sa trabaho ang komunidad (higit ng 845 sa taong 2013). Samantala, mayroon ding 41.290 ang mga nagtapos na rapporto di lavoro, mas mababa ng 2.893 kumpara sa mga bagong kontrata.
Higit sa 8,000 mga Pilipino, sa taong 2014 ang nakinabang ng unemployment allowance: 6.308 ang nakatanggap ng ASPI at 1107 naman ang nakatanggap ng miniASPI. Samantala sa taong 2014, 688 Pinoy ang tumanggap ng : cassa integrazione guadagni straordinaria (CIGS) at wala kahit isa ang tumanggap ng cassa integrazione guadagni ordinaria (CIGO).
(Ito ay ikatlong bahagi ng report buhat sa Integrazione Migrante, ng Ministry of Labor and Social Affairs, sa pakikipagtulungan ng Italia Lavoro S.p.a.)
Ang mga Pilipino sa Italya – Unang Bahagi
Bilang ng menor de edad na Pilipino sa Italya 36,719 – Ikalawang Bahagi