in

ENFiD Annual General Meeting at 2nd European Regional Overseas Filipino Conference, tagumpay sa Malta

Ako ay Filipino Overseas – Ganito ako Ngayon, Paano ako Bukas?”

Roma, Agosto 13, 2015 – Muling nagtipon ang mga Pilipino sa Europa mula Hulyo 31 hanggang Agosto 2 upang suriin, pag-ibayuhin at palalimin pa ang sinimulang adhikain para sa mga Pilipino sa ibayong dagat at ang makatulong sa pagpapalaganap ng mga ito sa bansang sinilangan.

Ang ENFiD Annual General Meeting at 2nd European Regional Overseas Filipino Conference, na may temang “Ako ay Filipino Overseas- Ganito ako Ngayon, Paano ako Bukas?” ay ginanap sa Hotel San Antonio, Malta at pinaunlakan naman ng Presidente ng Malta, na si H.E. Marie Louise Preca.

Higit sa 90 ang mga delegates na dumalo sa conference. Ang karamihan ay nagbuhat sa Europa (Austria, Belgium, Czech Republic, France, Germany, Italy, Ireland, Netherlands, UK, Switzerland, Malta,Sweden at Norway). Ito ay sinimulan sa pamamagitan ng opening remarks nang nagbuhat pa sa Pilipinas na si Secretary Imelda M. Nicolas, ang Chairperson ng Commission on Filipinos Overseas o CFO.

Lubos ang naging pasasalamat ni Secretary Nicolas “sa pagtanggap ng ENFiD sa hamong ipagpatuloy ang ugnayan ng mga Pilipino sa Europa” at kasama si Director Regina Galias ay inaasahan nya na ipagpapatuloy ang pagiging modelo nito sa buong Filipino communities sa buong mundo.

Samantala, lakip ang paggalang at pasasalamat namang sinalubong ng masigabong palakpakan ang pagpasok ni President Marie Louise Preca na nagbigay ng inspirational speech. Ito ay kanyang sinimulan sa  pagsasabing “As Maltese, we look at Filipinos as our friends”. Matapos purihin ang ENFiD sa layunin ng pagsusumikap na maitaguyod ang mga adhikaing makakabuti sa mga Filipino overseas, ay sinabing “Filipinos living overseas are well respected and contribute to the productivity and well-being of their host countries”. Ito umano ay kanyang mapapatunayan dahil sa matiwasay na paninirahan at maayos na paghahanapbuhay ng mga Filipino sa Malta, na tinatayang aaabot sa 4,500 sa kasalukuyan. Gayunpaman, pasasalamat ang kanyang mensahe sa Filipino community sa Malta sa kanilang tapat na pagtugon sa pangangailangan ng mga Maltese families.

(Sundan ang buong artikulo sa www.migreat.it/tl)
 

ENFiD Malta Statement

 
larawan nina: Ysa De Jesus at Gene Alcantara

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Carta di soggiorno, maaari ring mag-aplay ang nawalan ng trabaho?

Servizio Civile, hindi na nangangailangan ng carta di soggiorno