in

ERAFILCOM, nagdaos ng eleksyon sa Ferrara

Naidaos nang matagumpay ang eleksiyon ng EMILIA ROMAGNA ALLIANCE OF FILIPINO COMMUNITIES, na ginanap sa Sacra Famiglia Parish Compound Via Recchi 8, Ferrara, nitong ika-12 ng Setyembre, 2021.

Dinaluhan ng mga miyembrong organisasyon gaya ng Federation of Filipino Associations of Bologna (FEDFAB), Filipino Christian Community of Bologna (FCCB) at Filipino Women’s League (FWL), Maharlika Community Filippina ng Forli-Cesena, Mabuhay Association Italo-Filippina ng Ravenna, Filipino Community Romagna Chapter (FCRC) ng Rimini, Federazione delle Associazione Filippine di Modena(FEDAFILMO), Filipino Association in Ferrara (FAF)at Circle of Friends (COF) ng Ferrara. Bagama’t hindi nakadalo ang mga taga-Bahaghari ASD ng Reggio Emilia, nagpahatid naman sila ng pakikiisa at suporta. 

Ang buong programa ay inisponsoran ng Circle of Friends ng Ferrara sa pamumuno nila Fely Caduyac at Lotlot De Mesa. Itinaon din sa araw na iyon ang pagdiriwang ng kaarawan ni COF Chairperson Fely at ang pagdaraos ng kanilang Volleyball Tournament sa kinahapunan. Nagpaunlak din ng isang masiglang bilang ang COF Dangerous Dancers. Ang guro ng palatuntunan ay si Cherry Pearl Bolanos.

Ang halalan ay pinangasiwaan ni Pang. Pangulo ng ERAFILCOM, Benny Lauzon ng FCCB Bologna na gumanap na COMELEC Chairperson at ang mga miyembro ay sina Marina Ramos ng Bologna at Joy Cordova ng Ferrara. Ang pagboto ay sa pamamagitan ng secret ballot at pagtawag din sa mga official voters na di nakarating.

Ang mga bagong halal ay sina:

  • Fely Lopez Gayo-Pangulo,
  • Florian Arandela – Pang. Pangulo (Internal),
  • Virgilio Cesario – Pang. Pangulo (Eksternal),
  • Margie Ramirez (Sektor ng Kababaihan),
  • Marivic Galve  (Kalihim),
  • Mary Cris Cocjin – Ingat-Yaman,
  • Fely Caduyac – Tagasuri,
  • Daisy Del Valle – Tagapagbalita. 

Ang pangunahing layunin ng ERAFILCOM ay ang mapagkaisa ang mga organisasyon ng mga Pilipino sa Emilia Romagna, makapagdaos ng mga gawaing pang-rehiyon gaya ng taunang Araw ng Kalayaan, isports,sining, pang-kultura at pangkabuhayan. Magkaroon din ng boses para sa pagsusulong ng karapatan at kagalingan ng mga manggagawa sa rehiyon bilang tsapter ng nasyonal na organisasyon, ang OFW Watch Italy. (Dittz Centeno-De Jesus

Click to rate this post!
[Total: 5 Average: 4.2]

Bakuna kontra Covid19 sa mga bansa sa Europa, narito ang mga datos

Singil sa kuryente, tataas simula sa Oktubre