Mula sa inisyatiba ng Parma Ballers, idinaos ang EUROPE ELITE One Day Basketball League nitong Abril 2019, sa Palestra Palaciti sa Parma, Italy.
Ang nag-organisa ng ligang ito ay si Thonny Santiago ng Parma Ballers. Ang mga grupo na nagpartesipa ay nagmula pa sa iba’t ibang bansa at siyudad, gaya ng Luxembourg, United Kingdom, Switzerland, Parma, Roma, Milano, Bologna at Proudly Pinoy ng Milano.
Naging masigasig ang bawat miyembro ng mga koponan para maiuwi ang kampeonato at dahil na rin sa kanilang husay at galing, pati team effort ay nakuha ng Bologna ang unang puwesto. Pumangalawa ang Roma, ikatlong puwesto naman ang United Kingdom.
Ang over-all MVP ay si Jeffrey Gian Cruzat, at ang Finals MVP ay si Mark Legisma naman. Ang 3-point King ay si Gabriel Gomez. Ang bumubuo ng Mythical Five ay sina Arnel Araja ( Roma), Ervin Castillo (Bologna), Gabriel Gomez (Roma), Mark Legisma (Bologna) at Jeffrey Cruzat (Bologna).
Ang Bologna Team ay sinuportahan ng Bologna Basketball PlayGround na grupo nila Erick Ivan Bolus, kasama ang mga lider at miyembro ng Filipino community organizations dito.
Ayon kay Thonny Santiago, layunin niya noon pa man na maipalaganap ang brotherhood at camaraderie sa mga manlalaro ng basketball dito sa Europa, kaya nag-oorganisa sila lagi ng mga liga at nang-iingganya sa mga kabataan at sa mga mayhilig sa laro. Ang sportsmanship ay laging dapat isapraktika, ang disiplina sa sarili ay dapat ring maging gawi at ang pag-iwas sa mga masasamang bisyo ang dapat maging adbokasiya.
Dittz Centeno-De Jesus
Mga Kuha:
Bologna Basketball Playground