in

EUROPEAN SINULOG FESTIVAL sa Torino, simbolo ng Pananampalataya at Pagkakaisa ng mga Pilipino

Best in Props & Best in Choreogrphy for Ground Presentation - VIS-MIN GROUP - BOLOGNA

Tagumpay na naidaos ang EUROPEAN SINULOG FESTIVAL sa taong ito na ginanap sa Torino, Italya sa pamamahala ng Filipino Chaplaincy of Turin kasama ang ACFIL (L’Associazione Culturale Filippina del Piemonte. Nagsidatingan upang makilahok sa malaking pagdiriwang na ito ang iba’t ibang grupo mula dito sa Italya,  Germany, Spain, United Kingdom, Switzerland, at Austria.

Ano nga ba ang pinagmulan ng pagdiriwang na ito ng Sinulog sa Pilipinas?

Matatandaan na ang unang lokal na Sinulog Festival ay ginanap noong taong 2006 hanggang 2008 sa Padova, na sinundan ng pangrehiyong pagdiriwang sa Treviso noong taong 2009 at naging nasyonal na ng taong 2010 sa Vicenza, 2011 sa Verona at 2012 sa Padova. Ang una namang European Festival ay sa Bergamo ginanap noong 2015 at inulit na ng tuwing ikalawang taon sa Bassano del Grappa at nitong taon namang 2019 ay sa Torino.

the FESTIVAL QUEEN – Vienna Austria

Dahil hindi nga biro ang naging paghahanda sa malaking pagdiriwang na ito, sa tuwing ikalawang taon ng pagdaraos, nakapaloob dito ang mga pagsasanay sa kani-kanilang presentasyon, pagbuo at paglikha ng mga kakaibang disenyo ng kasuotan at mga gamit, paghahanda ng lugar na pagdarausan, pag-imbita sa mga komunidad at mga samahan, pag-ingganya sa mga isponsor na susuporta, at pagtutulong-tulong ng bawat miyembro at opisyal ng mga organisasyong pangkomunidad at pangrelihiyon. Ang lahat ng ito ay para sa ikapagtatagumpay ng ebento.

Ang Sinulog Festival sa Turin ay idinaos sa loob ng dalawang araw, ika-26 at 27 ng Enero, 2019. Sa unang araw ay ginanap ang opening salvo kung saan nakapaloob sa programa ang isang dramatisasyon ng Pagsisimula ng Kristiyanismo sa Pilipinas, nagkaroon din ng Sinulog Mardi Gras at Hunino Song presentation at Katesismo ukol sa Sinulog. Naging panauhin dito si Ambassador to the Holy See Grace Princesa. Isang pambisperas na misa din ang idinaos at ang benerasyon sa Santo Nino.

Sa ikalawang araw, Linggo, ay nagdatingan na ang mga partisipante mula sa iba’t ibang lugar ng Italya at mga Pilipino mula sa ibang panig ng Europa, at naging preparado ang mga naatasan para sa ikaaayos ng programa. Una ay ang piktoryal ng bawat kalahok pati na ang buong delegasyon nitong kinakatawan. Sinundan ng isang misa sa pangunguna ni Rev. Fr. Dennis Carlos Manlangit, SDB, ang chaplain ng Filipino Chaplaincy of Turin, kasama ang iba pang pari.

Rev. Fr. Dennis Carlos Manlangit SDB, Chaplain, the Filipino Chaplaincy of Turin

Nagpahayag din ng pagbati si Hon. Monica Cerutti, ang Regional Deputy Assessor ng Piemonte, at pinuri niya ang mga Pilipino sa eksepsiyonal na pagkakaisa ng mga ito sa pagdaraos ng pagdiriwang.

Mataman namang pinagdiinan ni Ambassador Grace Princesa, sa kanyang mensahe ang 5 F’s na ang una ay Faith in God, being Filipinos, Family first , Fitness ng katawan at Financial literacy and management,  na siyang gawing gabay sa pamumuhay lalo ng mga nasa ibang bansa.

At sa magandang anunsiyo naman ni Rev. Fr. Paolino  Bumanlag, ang National Head ng Filipino Chaplains of Entire Italy at kasalukuyang 8th Chaplain ng The Filipino Chaplaincy of Vicenza, na ang susunod na Sinulog Festival ay nakaplanong ipagdiwang sa Vatican City sa taong 2021 kasabay ng pagdiriwang ng ika-500 taon ng debosyon sa Santo Nino.

Best in Costume – Vicenza

Matapos ang misa ay ang presentasyon ng mga Reyna ng bawat delegasyon kung saan ay ipamamalas nila ang kanilang paraan ng pagsayaw ayon sa tradisyonal na Sulog. Mula dito ay pipiliin ang pangunahing Festival Queen.

Pagkaraan nito ay lumabas na ang lahat mula sa simbahan ng San Giovannino sa  corso Vittorio Emanuelle II patungo sa Centro Storico-Piazza Castello, na sa bawat itinakdang lugar ay magkakaroon ng presentasyon ang mga kalahok na grupo .

Ang mga nagsipagwagi ay ipinahayag ng kasalukuyang ACFIL President Rosalie Bajade Cuballes, kasama niya ang iba pang opisyales  at ang sindaco o Mayor ng Torino Hon. Chiara Appendino at si Ambassador Grace Princesa,  sa pagbibigay ng mga tropeo.

Ang mga nagsipagwagi ay ang mga sumusunod:

SINULOG MARDI GRAS GROUND COMPETITION

BEST IN CHOREOGRAPHY FOR GROUND PRESENTATION

  1. BOLOGNA
  2. BERGAMO
  3. TREVISO
  4. TORINO
  5. PADOVA

BEST IN COSTUME

  1. VICENZA
  2. BERGAMO
  3. BOLOGNA
  4. AUSTRIA
  5. PADOVA

BEST IN PROPS

  1. BOLOGNA
  2. BERGAMO
  3. VICENZA
  4. VIENNA, AUSTRIA
  5. TORINO

MOST NUMBERED CONTINGENTS – TORINO

FESTIVAL QUEEN

  1. VIENNA, AUSTRIA
  2. HAMBURG, GERMANY
  3. BERLIN, GERMANY
  4. PADOVA
  5. VICENZA
  6. BOLOGNA
  7. TREVISO

Tunay ngang buhay pa rin ang BAYANIHAN sa pamumuhay ng mga Pilipino lalo na kung ang ipin agdiriwang ay ukol sa pagpapalaganap ng ka-Kristiyanuhan.

Kaya magkita-kitang muli sa taong 2021, sa lungsod ng Vatican, para sa ika-apat na European Sinulog Festival.

VIVA SANGPIT SENYOR !!!

Dittz Centeno-De Jesus

larawan ni: Gyndee Photos

https://www.facebook.com/gilmar.taebas/videos/10217605969356632/UzpfSTE0MzkyMzc1OTAxNjMwMjoyNDQ0MTAyMTA1NjY1MTEx/

Basahin rin:

SINULOG, sagisag ng Pananampalatayang Pilipino

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Halaga ng Assegno Sociale 2019, itinaas sa € 458,00

SINULOG, sagisag ng Pananampalatayang Pilipino