in

EXPLOSION nagdaos ng konsyerto

Muling nagdaos ng concert ang Explosion – Group of Filipino Talents sa Milan.

Milan, Mayo 22, 2013 – Tickets Sold Out at naging matagumpay na idinaos ang concert ng grupong Explosion sa Milan. Ginanap sa Auditorium San Fedele, San Babila, Milan noong May 19, 2013.

Puno ang nasabing Auditorium at hindi lamang mga kababayan natin ang nagpunta sa naturang concert kundi pati na rin ang mga italiano kasama ang kanilang mga anak.

Ayon kay Jonathan Gardose, isa sa mga founders ng Grupo, ang ilan sa mga dumalong italiano ay nagtuturo ng music sa iba't ibang mababang paaralan sa Milano, sa panayam ng Ako ay Pilipino.

Ayon naman sa mga manonood, mahuhusay at kahanga-hanga ang ipinamalas ng mga talento, dagdag pa nila, sa susunod na concert, mga magulang naman diumano ang magpapakitang gilas kasama ang mga talento ng grupo.

Hindi mabilang ni Gardose kung naka-ilang concert na sila sa kasaysayan ng grupo, subalit kanyang batayan ang kanilang pagtatanghal maliban sa Milan, gayun din sa mga siyudad ng Florence at Turin.

Ayon pa sa kanya, plano nilang magkaroon muli ng concert  sa taong ito dahil na rin sa request ng mga kababayan natin, subalit titingnan muna ng mga founders ang availability ng mga talento at tamang buwan sa kabila ng pggiging abala rin nila sa pag-aaral bago isagawa ang naturang event.

Lubus na pasasalamat ang iginawad ng grupo sa mga sponsors ng naturang konsyerto; kina Dorrie Zarap at Cecil Escanilla, mga grupo tulad ng Bicol SARO na pinamumunuhan ni Mr.Romy Mesina, Mr. & Mrs. Rey & Tracy Millar, Ms. Imelda Manalo, Mr.Eddie Marasigan, Adviser ng San Josenian Batangas Association at iba pa, maging ang mga magulang at mga kaibigan na walang sawang pagsuporta sa kanila at sa lahat ng dumalo sa nasabing concert.

Ani ni Gardose, ang mga proceeds ng pinagbentahan ng mga tickets ay magagamit bilang fees at pondo para sa kanilang grupo.

Inaasahan din ng grupo ang pakikilahok sa nalalapit na pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa buwan ng Hunyo na gaganapin sa  Indroscalo, Milan. (ulat ni : Chet de Castro Valencia)

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Reporma sa imigrasyon, aprubado sa Justice Commission

Ang hamon ni SIBI sa Campidoglio