in

Extension ng validity ng Philippine passport, libre

Ang extension ng validity ng pasaporte ay libre, nananatiling may bayad ang pagproproseso sa renewal .

Rome, Agosto 17, 2015 – Ayon kay DFA Assistant Secretary for Consular Affairs Frank Cimafranca, ay libre na ngayon ang pagpoproseso sa pagpapalawig ng validity ng mga passports na noong una ay may bayad.

Ito umano ay bilang tugon sa kasalukuyang pagkakaantala sa issuance ng mga ePassports.

Sa katunayan, ang mga Embahada ng Pilipinas, tulad ng anunsyo ng Philippine Embassy Rome, ay kailangang gawin ang ilang hakbang tulad ng revalidation o extension ng mga paso at mga malapit ng mapasong ePassports.

Ang pagpapalawig o extension ng validity, ayon sa anunsyo, ay hindi bababa sa isang (1) taon ngunit hindi naman lalampas sa dalawang (2) taon mula sa request ng pagpapalawig ng validity nito. Gayunpaman, kasabay ng extension ay dapat gawin ng aplikante ang aplikasyon para sa bagong passport.

Ang extension ng validity ay libre, samantalang nananatiling may bayad ang pagproproseso sa renewal ng pasaporte.

Para makuha ang na-renew na pasaporte ay kailangan lamang iprisenta ng aplikante ang extended passport.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Report of Marriage, kailangang gawin ng mga Pinoy sa Embahada o Konsulado

Pinaka Mahabang Stringed Chili Pepper sa buong Mundo