Kinumpiska sa isang Pinoy ang dalawang fake signature bags ng mga Opisyal ng Cagliari Customs Office sa “M. Mameli Airport”, matapos suriin ang mga ito ng mga dalubhasa at napatunayang peke at kopya ang mga ito mula sa collection ng Christian Dior at Prada signature bags.
Ayon sa ulat, pinatawan ng multa ang Pinoy mula € 700 hanggang € 7,000 batay sa bagong sanctions law sa kaso ng pagpasok sa bansa ng maliit na bilang ng mga pekeng produkto.
Ang pagtugis sa pagpasok sa Italya at Europa ng mga fake products ay isa sa mga pangunahing layunin ng Agenzia ADM o Excise, Customs and Monopolies Agency ng Italya na sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng Guardia di Finanza, ay pinapangalagaan ang mga karapatan ng mga orihinal na produkto at ng mga nagma-may-ari nito.
Ang karaniwang halaga sa merkado ng mga kinumpiskang fake signature bags ay humigit-kumulang € 4,000 para sa Christian Dior at € 3,700 para sa Prada bag.