in

Falsification of public documents, isasampa rin

Ang Procura di Roma ay maaaring magsampa rin ng kasong falsification of public ukol sa pagkamatay ng sanggol na si Marcus Johannes laban sa mga suspects.

Roma, Hulyo 25, 2012 -Sa kasalukyan ang prosecutor na si Leonardo Frisani ay patuloy na pina-iimbestigahan ang kasong manslaughter o hindi sinasadyang pagpaslang, ngunit maaaring sampahan rin ng kasong falsification of public document dahil sa naganap na manipulasyon sa mga medical records ng sanggol. Samantala, ang Procura di Roma ay kasalukuyang hinihintay pa rin ang mga dokumentasyon ukol sa naging imbestigasyon ng Ministry of Health. Lumabas rin sa ulat ng imbestigasyon ng Ministry ang naganap na manipolasyon sa medical records.

Sa kasalukyan ay 20 ang suspects sa pagkamatay ng sanggol. Samantala, si Caterina de Carolis, ang acting director ng Neonatology ward ng San Giovanni Addolorata sa Roma, ay tinanggal sa posisyon ngayong araw na ito ng General Director ng ospital na si Gian Luigi Bracciale. Si Giannantonio Cerqua, ang bagong director ng ward na mayroong mabigat na tungkulin ng pagsasaayos at pangangalaga sa logistics.

Bukas, araw ng Huwebes ay siProf. Saverio Potenza, ng Polyclinic ng Tor Vergata, ang magsasagawa ng panibagong autopsy.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Schengen Commission: Regularization, maaaring magbunyag ng 400,000 irregulars

Regularization, napapaloob sa inilathalang ‘Sanctions decree’