Ang ilang Filipino Community sa South Italy ay nagkaisang bumuo ng isang samahan na nakalaan lamang sa sports.
Reggio Calabria, Enero 31, 2017 – Nagkaisa ang ilang Filipino Community sa South Italy sa pagbuo ng isang Sports Association.
Pangunahing layunin ng bagong samahan ang mabigyan ng pagkakataon ang lahat ng mga manlalaro at mahihilig sa sports na makapag-laro at makalahok sa mga palaro o liga, batay sa isang regulasyon para sa maayos na kompetisyon.
Pinangalanan itong Filipino Amateur Sports, Cultural and Recreational Association – Italy o FASCURAI ang bagong samahan.
Sa katunayan, ang pagkakaroon ng isang Sports Association sa South Italy ay matagal na pinag-aralan at pinag-usapan ng tatlong (3) namumuno na sina President Absalon Bobby Tubojan, Vice President Romy Lafuente at Senior Adviser Deoneng Tangcangco, na sinang-ayunan naman ng ibang namumuno ng mga assosasyon.
At noong nakaraang January 15, 2017, ay nanumpa ang mga opisyales sa pangunguna ng panauhing pandangal na si Federfil COB Ariel Asis Lachica na binubuo nina:
President – Absalon Bobby Tubojan;
Vice President – Romy Lafuente;
Secretary – Carmen P. Suelila;
Asst. Sec.- Leni Vallejo;
Treasurer – Miriam Macabeo;
Asst. Treasurers – Sonia Tubojan, Nancy Arenas, Elizabeth Coriage;
Auditors – Tess De Castro, Relly Maddela, Manny Veluz, Leony Alagon;
Coordinators
North – William Maddela, Jhun Soriano,
South – Santiago Hernandez, Mario Datuinguinoo;
Youth Coordinator – Rey Rebudal;
Teens Coordinators – Maddy Pascual, Mark Joseph Tubojan;
Board of Directors – Apolinario Baltazar, Arnel Castro, Lourdes Eboseo, Anatalia Hernandez, Nelson Manongsong, Maria Vencita Maramot, Jeffrey Peralta, Ynah Rhinel Vallejo, Mark Calabon, Osmond Dalog, Alex James Domingo, Ricardo Habdusan, Rene Billones, Jeanett Amosco Nicomedes, Albert Pasahol, Jhun Rafanan, Florentina Villanueva, Elear Yabut, Evelyn De Leon, Cori Cuison, Gerardo Maat Jr.;
Senior Advisers – Deoneng Tangcangco, Natalia Pasague, Angelo Minissale;
Advisers – Leovino Amboy, Corazon Riel, Cely Madula, Loreto Pitas, Erwindo Maddela
Ang buong samahan ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa at tumulong sa okasyon lalo na sa dalawang emcees na sina Hector Manlapaz at Shirley Aguinaldo at organizer na si Rebecca Garcia na punong abala sa dekorasyon at pagkain.
Nakatakdang simulan ang taunang palaro ngayong taon na kinabibilangan ng Roma, Napoli, Caserta, Salerno, Cosenza, Catanzaro, Reggio Calabria, Messina at Catania. Samantala, bukas naman sa lahat ang mga susunod na pa-liga ng assosasyon at iniimbitahan ang lahat na nais lumahok at makiisa.
ni: Carmen P. Suelila