in

FBAI at MBA Italy, para sa Bangon Batangas

Isang palaro ang ginanap noong January 19, 2020 sa Brunswick Roma para sa nasalanta ng pagsabog ng bulkang Taal. 

Ang palaro ng MBA Italy o ang Magallanes Bowling Association ay ginaganap isang beses isang buwan at mula sa Pangulo Mr. Randy Fermo at pangalawang pangulo Mr. Glenn Manalili ang kaunahang torneo sa taong 2020 ay ibibigay lahat sa nasalanta ng Bulkang Taal. 

Marami din ang mga nakiisa kahit pa nga sabihing walang makukuhang gantimpala kundi ang medalya na ibinigay ng isa sa opisyal ng FBAI o ang Filipino Bowlers Association in Italy na si William Rabang.

Nakalikom ng sapat na halaga ang grupo ng FBAI dahil ilan dito ay nagbahagi ng kanilang tulong: Grupo ng CIAO, FBI, Kabayan ProShop, PBA, Ms. Remy Kar, ilang myembro ng TBAI Monica delos Reyes, Pen Villena, Ate, Teddy Perez, Sigñora Geraldine, Abdulah Boyet Racsa, Spike de Borja, Knights, MBA Italy. 

May 33 players ang lumahok sa nasabing Torneo mula sa iba’t-ibang club mula sa FBAI. 

Ang mga nagwagi at nag uwi ng medalya ay sina: 

5th Placer Edward “Spike” de Borja;

4th Placer Abdulah Racsa;

3rd Placer Ronnie Fabile Sr.;

2nd Placer Augusto Vicencio;

At ang nag uwi ng tropeo Rhomie “Ibhoy” Morales

Ang Perpetual Trophy ay kailangang maipanalo ng tatlong beses. Sa katunayan, mula taong 2017 nakatatlong Champion si Rhomie Morales. Siya ay kasalukuyang Pangulo ng Guardians Emigrant Vatican O ang G.E. VCIL. 

Ramdam ang kasiyahan ng bawat isa sa tagumpay ng nasabing Fund Raising. Pagkakaisa para sa mga kababayang nasalanta. 

Tagumpay ng isa tagumpay ng lahat. Sulong FBAI Sulong MBA Italy. (ulat ni: Norie Ignaco)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Xenophobia, mga Pilipinong biktima, dumarami

ZUMBATHON for a cause, tagumpay sa Messina