in

FCSL SUMMER SPORTS FEST 2018

Patuloy ang paghikayat ng Filipino Community of San Lorenzo o FCSL sa Milan sa mga kabataan upang tangkilikin ang sports. Ito rin ang panawagan ni FCSL Chaplain Father Bong Osial.

Sa kanilang taunang Youth Sports Festival ay lumahok ang iba’t ibang mga religious groups maging ang ibang FilCom groups na sumuporta sa kanilang sports events na kinabibilangan ng Basketball (men), Volleyball (men/women) at Football para sa mga chikiting na ginanap sa Idea Sports Gymnasium dito sa Milan.

Mainit din ang naging pagsalubong ng buong Filipino Community kay Philippine Consulate General in Milan, Consul General Irene Susan Natividad at POLO-OWWA Labor Attaché Atty Maria Corina Buñag na panauhing pandangal ng sports fest.

Sa mensahe ng Consul General sinabi niya na ang sports ay nagdudulot ng maganda lalo na sa mga kabataan, kung kaya’t labis siyang natutuwa ng makita niya ang mga kabataan sa kanilang hilig na mga sports.

Sports fest, gustong gusto ko ito dahil napakabuti nito para sa lahat, lalo na sa mga kabataan. Sa sports, walang talo, walang panalo”. Masayang banggit ni Natividad.

Congratulations sa successful event na ito, magandang exercise ito para sa mga kabataan natin”, wika din ni Buñag.

Puno ang loob ng gymnasium sa opening ng palaro at maging sa labas ay walang tigil ang pagdagsa ng mga kababayan natin mula sa iba’t ibang distrito ng Milan maging buhat sa mga karatig lugar ng North of Italy.

Isa-isang ipinakilala ang mga koponan sa isang parada.

Lighting of torch” sa pamamagitan ni sportsman Ian Maldia ang naging hudyat sa pag-uumpisa ng mga palaro.

Ang Oath of Sportsmanship ay pinangunahan ni Bryan Guevarra kung saan nanumpa lahat ng mga manlalahok na panatilihing masaya, maayos at patas sa pagtingin sa isa’t isa hanggang sa kahuli-hulian ng palaro.

At pagkatapos ng declaration of opening ng games sa pamamagitan din ni Brother Sonny Gonzales ay nagkaroon ng isang maikling programa tulad presentation of muses mga intermission dances mula sa mga sikat na dance groups sa Milan, gaya ng VIP dancers, Explosion at Psycom-Infinity Love.

“Ginawa kasi natin ito para sa mga kabataan para sa kanilang camping ng 2 nights and 3 days para sa kanilang formation nitong August 2018, kumbaga ito ang yearly summer youth camp nila”,masayang tugon ni Jinna Marasigan ang FCSL Coordinator.

Maliban sa loob ng gymnasium ay mayroon din mga games na isinasagawa sa Idea Sports grounds, at walang tigil ang hiyawan ng mga supporters ng bawat koponan.

Bawat manlalahok ay nakatanggap din ng mga souvenirs mula sa host religious group habang ang mga trophies at medalya ay ipinagkaloob sa mga winners ng bawat palaro.

Hindi rin nawala ang mga pagkain pinoy na nakahanda para sa lahat. Halos lahat ng uri ng lutong pinoy ay mabibili sa isang bahaging inilaan para dito.

Samantala, sa huling araw ng nasabing SportsFest ay nagkaroon ng Misa sa loob ng Gymnasium na kung saan si Father Bong Osial ang nanguna ng Banal na Salita ng Diyos. Pagkatapos ay muling itinuloy ang mga palaro hanggang ito ay nagtapos sa awarding para sa mga nagwaging koponan.

Masaya at mapayapang natapos ang event hanggang sa lisanin ang lugar na pinagganapan ng FCSL Summer Sports Festival 2018.

Samantala, bumabati ang buong news team ng Ako ay Pilipinosa Italykay Father Bong Osial, Chaplain ng San Lorenzo Church sa Milan ng isang Maligayang kaarawan.

 

Chet de Castro Valencia

photos & results courtesy of:

FCSL & Jinna Marasigan

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

ANCOP Global Walk 2018 Ginanap sa Bologna

Heatwave, patuloy na nararamdaman sa Italya