in

FEA, NAGHANDOG NG TULONG PINANSYAL PARA SA BANTAY BATA 163 PROJECT

EMPOLI – Naghandog muli ng tulong pinansiyal ang mga organizer ng “Miss Little Mutya ng Pilipinas 2011”  sa Empoli para sa “Bantay Bata 163 Project ng ABS CBN”.  Ayon kay Mr. Dennis Reyes president ng FEA – Filipino European Association, napagkasunduan ng grupo ang muling pagtulong sa Bantay Bata project para sa medical expensess ng pitong buwan si Mosica Justin Clyde sa halagang 150,000 pesos sa kanyang open heart surgery operation sa Pilipinas.

Ang Miss Little Mutya ng Pilipinas ay ginanap noong Marso 13, 2011 sa Palazzo delle Esposizione sa Piazza Guido Guerra sa Empoli, Firenze.  Ito ay nilahukan ng 12 magaganda at cute na mga bata mula sa ibat ibang panig ng Italya. 

Tinanghal na “Miss Little Mutya ng Pilipinas-Italy 2011” si CHRISTINE KHATE TELEOS ng Arrezo, 1st runner up si Ashlee Angel Santos ng Firenze, 2nd runner up si Kyla Diane Magmanlac ng Livorno, 3rd runner up si Justine Castillo ng Firenze at 4th runner up si Benedetta Ana Licciardo ng Siena-Poggibonsi.   Nakamit ni ASHLEE ANGEL SANTOS ng Firenze ang titulong “Miss Little Mutya ng Pilipinas Charity 2011,  1st runner up si Hailie Jade Garcia ng Pescara, 2nd runner up si Justine Castillo ng Firenze at 3rd runner up si Christine Khate Toleos ng Arrezo.  Magagaling at mahuhusay ang mga hurado na galing pa sa Roma na sina counsilors Pia Gonzalez-Ako ay Pilipino, Mr. Boyet Abucay at Mr. Jerry Balid, Ms. Marites Malco ng DMCI at Maynard Portugal ng FILINVEST. 

Pinasasalamatan ni Pres. Dennis Reyes ang pagdalo nina Honorary Consul Dr. Fabio Fanfani, Rev. Father Crisostomo Crisostomo Jr. ang kanilang spiritual adviser, Officers and members ng FEA, Judges, Confederation of Filipino Community in Tuscany, Parents and Candidates pati ang walang sawang pagsuporta ng mga sponsors NEOS Finance, DMCI Homes, RCBC Firenze, BDO Remit Firenze, PNB Firenze, TFC Rome, Punto Soci COOP Empoli, Sigra. Carolina Santarelli at Golden Group Firenze. 

Sa darating na Septembre 25, 2011 ang FEA at CONFED ay magtatanghal ng “Battle of the Band Muziclaban 2011” sa Palazzo delle Esposizione sa piazza Guido Guerra Empoli ang lahat ay inaanyayahang dumalo upang maging malaking tagumpay muli ang naturang pagtatanghal. (ni ARGIE GABAY)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

KATARUNGAN – Sigaw ng asawa at anak ng Pilipinang napatay sa bugbog noong nakaraang taon

PAGTATANGGAL SA TRABAHO????