in

FEDERFIL-ITALY inilunsad!

Ginanap noong Nov 1 ang Oath-taking ng mga opisyal at founding members ng Federfil-Italy.

altRome – Inumpisahan sa pagdiriwang ng banal na misa sa parokya ng Sto. Crucifisso ang Induction Ceremony ng mga nahalal na opisyal at mga founding members ng FEDERFIL-Italy. Ang FEDERFIL-Italy (o Federation of Filipino Communities and Associations in Rome-Italy) ay isang grupo na binubuo ng mga Filipino communities at ng mga asosasyon sa Roma. Ito ay naglalayong bigkisin ang mga Filipino communities sa mga isyung may kinalaman sa socio-cultural, civic, religious at political awareness ng mga Pinoy sa Roma.

“The Federation is an Umbrella Organization and will conduct its various activities in accordance with the rules and regulations of the Philippine socio-political and religious authorities based in Italy and in compliance with the local laws of the host country”, ang isa sa mga prinsipyo ng grupo ayon kay Ariel Lachica, ang Vice Chairman ng nasabing grupo.

Ilang besaltes namang inulit ng Chairman na si Francis Buanjug ang mga salitang “Humility and Unity” matapos ang Oath-taking, bilang mahalagang aspeto sa magiging tagumpay ng grupo. “Don’t ask for what Feder-fil can do for you, but be part of the federation and together we can formulate, initiate, facilitate and support development programs”.  

Naging panauhing pandangal sina H.E. Ambassador Mercedes Tuazon mula sa Phil. Embassy to Holye See gayun din si H.E. Ambassador Virgilio Reyes, ang bagong Ambassador ng Pilipinas sa Italya na nagbigay ng mahahalagang pananalita sa grupo at mga panauhin nito.

Isang taimtim na candle-light ang ginanap sa statwa ng Blessed Virgin Mary sa labas ng simbahan bilang paggunita sa kaugaliang katoliko ng mga Filipino sa paggunita sa All Soul’s day.

Masaganang hapag, sayawan at awitan, masayang tawanan at palitan ng kuro-kuro bilang pagtatapos sa pagdiriwang.

Kabilang sa mga opisyal ng Feder-fil sina:

Chairman of the Board – Francis Buangjug

Vice Chairman – Ariel Lachica

Secretary General – Auggie Cruz

Treasurer – Rhomie Ramos

Auditor – Lito Viray

Board of Directors – Benjo Eclarin, Pat Dimaano, Felix Landicho, Jessie Ramirez, Jerry Benjamin, Rey Cabral

Advisory Board – Nick Calbay, Efren Tila, Rey Maas, Carlito Senicolas

Co-founder & Special Advisor – Atty. Joe Abenir.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Migrante, karaniwang biktima ng kanser dahil sa kakulangan ng medical controls

Ano ang mga panganib sa pagkakaroon ng isang Filipinang walang permit to stay?