in

FESTA DEI POPOLI, Mga Filipino nakiisa!

altAng Festa dei Popoli ay taunang selebrasyon ng mga dayuhang naninirahan sa Roma upang sa pamamagitan ng sayaw at awitin ay maipamalas ang bawat kultura. Ito ay naglalayong matuklasan ang pagiging isa sa kabila ng pagkakaiba lalong higit sa pananampalatayang Kristyano.

Ginanap noong ika-8 ng Mayo ang ikalabindalawang edisyon ng nasabing pagdiriwang. Inumpisahan ng banal na misa na sinundan naman ng masaganang multi-etnikong hapag. Makukulay na costumes at mahuhusay na cultural presentation ang natunghayan ng mga dumalo at nakisaya sa pagdiriwang. Kabilang dito ang mga bansang: 1. Bolivia 2. Ecuador 3. Peru 4. Ghana 5. Poland 6. Cina 7. Nicaragua 8. Costa Rica 9. Philippines 10. Colombia 11. Moldavia 12. Paraguay 13. Venezuela 14. Ucrainaalt 15. Guatemala 16. Albania 17. Indonesia 18. Capo Verde 19. Romania  at napakarami pang iba.

Hindi nagpatalo ang mga Filipino sa pagtatanghal. Isang grupo ng mga kabataan ‘Filipino Musical Academy’, isang grupo ng magkahalong mga kabataang Filipino at  Italyano, sa pamumuno ni Lenny at Jessie Ramirez, ang nagtanghal ng dalawang sayaw, isang modern dance at isang cultural ‘Ang Kalesa’. Nakapukaw ng atensyon ang pag-awit ng mga Italyanong kabataan ng awiting tagalog na suot ang kimona.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Phoenix, Kenneth Cobonpue’s Bamboo and Rattan Car, big hit in Milan

ALAMIN, TAMANG PARAAN NG PAGBOTO.