Sa nararanasan natin na pandaigdigang krisis na umabot na ng mahigit isang taon, maraming mga festivals o mga events at sa larangan man ng pampalakasan at iba pa, ay naantala dahil sa pandemya.
Sa pangalawang pagkakataon pagkatapos ng giant lantern festival noong nakaraang December ay isinagawa ang online celebration sa pamamagitan ng zoom meeting para sa taon 2021, ang selebrasyon ng Sinulog sa Cebu, Ati-atihan sa Aklan, at Dinagyang festival sa Iloilo mula sa katimugang bahagi ng bansang Pilipinas partikular na sa Visayas region.
Ang Department of Foreign Affairs, sa pakikipag-ugnayan sa Department of Tourism, at National Commission for Culture and the Arts ay bumuo ng isang virtual celebration, ang “Fiesta Filipinas – An Online Celebration of Philippine Festivals”
Ito ay may anim na bahagi, multiformat online event series na nag-umpisa nitong February 20 hanggang buwan ng Mayo ng taon kasalukuyan.
Naglalayon itong maramdaman natin na kabilang tayo sa mga pagdiriwang, lalo na sa mga OFW’s at mga permanenteng naninirahan na sa ibang bansa, maging sa mga indibiduwal na hindi pa nakakasaksi ng mga Philippine festivals, at para na rin sa iba na mabigyan ng karagdagan kaalaman ng tradisyon at kultura ng Pilipinas.
“it would likewise introduce and showcase Philippine festivals, cultures and traditions to our global audience and invite them to the country when conditions are more favorable… It is hoped that you will enjoy this activity and at the same time assist the Philippine Consulate in it’s efforts in disseminating cultural information in Italy.” sa isang bahagi ng liham ni Philippine Consulate General Milan, Consul General Bernadette Therese C. Fernandez.
Ilang araw bago ang nakatakdang araw ng online celebration, ay may ipinadala ang DFA ng mga packages na naglalaman ng mga ipinagmamalaki ng Visayas na mga snacks tulad ng biscocho, piaya, dried mangoes, malunggay iced tea, at may kasama pang souvenir ref magnet at meron din isang DIY para sa isang headdress na makikita natin na ginagamit sa mga nasabing festival.
Alas siete impunto nag-umpisa ang programa at mahigit kumulang 200 ang zoom participants ang nag login mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo, kabilang ang mga Overseas Filipinos mula sa North Italy. Bakas sa kanilang mga mukha ang saya at ilan din ang sabik makita ang karaniwang ginawa tuwing Sinulog, Ati-atihan, at Dinagyang festival.
At sa pamamagitan nina Paolo Abrera at Chal Lontoc-del Rosario ang mga host sa nasabing online celebration ay pinasaya nila ang mga participants at pinaramdam nilang dalawa na lahat ay kabilang sa kanilang programa.
Sa kanilang pre-recorded videos ay ipinakita rin ang kagandahan ng Cebu, Aklan, Iloilo at ibang pang mga tourist destinations via virtual tour.
Bago ipinakita ang mga sayaw sa Sinulog, Ati-atihan at Dinagyang festival ay sabay-sabay nilang binuo ang kani-kanilang headdress sa pamamagitan ni Mary Quevedo lecturer sa UP college of Fine Arts para sa DIY headdress making, hanggang sa mabuo ito ay isinuot ng bawat participants ang kanilang headdress.
Makulay, energetic, at napakaganda ang mga ipinakitang mga street dancing na kung saan sinabayan din ng mga zoom participants habang pinapanood ang bawat katutubong sayaw.
Kasunod ng online celebration ay ang Panagbenga festival 2021 sa darating na ika-27 ng Pebrero ng taon kasalukuyan at inaasahan mas maraming pang mga kababayan natin makikilahok sa nasabing selebrasyon.
VIVA PIT SENIOR! HALA BIRA! (Chet de Castro Valencia)