Sa mahabang panahon ay ipinagdiriwang ng Filipino Catholic Community in Brescia o FCCB, ang fiesta ni Sto. Niño sa pamamagitan ng banal na misa kasama ang mga kabataan.
Sa ikatlong taon, ginanap ang Sinulog bilang bahagi ng fiesta ni Sto. Niño noong Enero 15, 2023. Sa pamamagitan ni dating Chaplain Fr. Ronan Ayag, ay sinimulan ang Sinulog taong 2020.
Sinimulan ang pagdiriwang ng isang prusisyon kasama ang mga imahe ni Sto. Niño na isinayaw ng mga bata at mga kasaling grupo ng Sinulog.
Mula sa Bible Study Youth Group kasama si Reyna Claudine Tatel at mga kababaihan mula sa mga religious groups kasama si Reyna Rhina Calangi, ang mga nagpaunlak na nagsayaw ng Sinulog.
Nagkaroon ng novena prayer para kay Sto. Niño sa pamumuno ni Bro. Norlie Ramo.
Isinund ang banal na misa sa pamumuno ni Fr. Virgilio Murillo ng Bergamo. Ang mga nag-alay sa misa ay mga bata bilang pagpupugay sa “araw ng Sto. Niño, araw ng mga bata”.
Naging maganda ang pagtanggap ng buong komunidad maging ang mga Italyanong nakasaksi ng pagdiriwang.
Higit ang pasasalamat ng Filipino Catholic Community in Brescia Council sa lahat ng dumalo at nakiisa.
“Viva! Pit Señor! Señor Santo Niño”