in

FIESTANG BAYAN SA NAPOLI, FLORES DE MAYO AND INDUCTION OF NEWLY ELECTED OFFICERS

Isa sa malaking bilang ng mga kasapi ng community ang nagdiwang ng Flores de Mayo kasabay ang panunumpa ng mga bagong halal na namumuno ng mga bagong halal na namumuno sa Filipino Community sa Napoliu at Campania

Ang Flores de Mayo ay piyestang bayan sa Napoli at ito ay taunang ginagawa ng mga Pilipino bilang debosyon sa Mahal na Ina na dala-dala kahit saan, ang pahayag ni Mons. Jerry Bitoon, spiritual director ng mga Pinoy sa Napoli.

“Masaya po kami ngayong araw na ito sapagkat nagkasamasama na naman po kaming mga Pilipino dito sa Napoli upang i celebrate po ang flores de Mayo na kagaya ng ginagawa natin sa pilipinas”, ang sabi naman ni Jing Pereyra, ang Coordinator Bicol Region.

Kasunod ng programa ay ang panunumpa ng mga bagong halal na opisyal ng samahan. Ito ay pinangunahan ni Miss Nancy Pantoja – Signing Officer and Attache of the Philippine Embassy sa Roma.

“Ako po ay nagagalak at ako po ay nandito kasama ng aking mga kababayan lalong lalo na ang mga taga-Batangas. Napakaaktibo ng inyong organisasyon at sana kayo’y maging matagumpay, sana po ay magkaisa kayong lagi lalo’t higit ang bagong sets of officers, I’m sure po na nasa likod nyo po ang embahada lalong lalo na po ako, marami pong salamat”, masayang pahayag ni Miss N. Pantoja.

Para sa mga bagong namumuno, sana naman daw ay magkabuklod kayo sa sa pagtataguyod ng pamayanang Pinoy dito sa Italya. (Diego “Odgie” Evangelista)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Summertime

Patuloy ang Himala – El Shaddai DWXI PPFI Rome Chapter 18 taon na!