in

Fil-Italian football player pasok sa National Team Azkals

Lingid sa kaalaman ng maraming Pilipino sa Italya, isang kabataang lumaki sa Roma ang kasalukuyang naglalaro para sa Philippine National Team Azkals.

Roma, Hunyo 23, 2015 – Dahil sa galing maglaro ng football ay nakapasok at napili ang isang Fil –Italian upang makasama sa Philippine National Team Azkals.  Si Dennis Villanueva, 23 taong gulang, ipinanganak sa Roma noong Abril 28, 1992 at solong anak ng mag-asawang sina Daniel at Dahlia Villanueva.  

Sa murang edad ay nagpakita na si Dennis ng hilig at husay sa calcio kaya naman hindi nag-atubili ang  kanyang mga magulang at ipinasok sa Totti Soccer School  (1996-2005). Ito ay dahil mula pa man noong bata ay avid fan na ng Roma football team si Dennis kung saan naglalaro ang tanyag na manlalarong si Francesco Totti.

Habang nag-aaral ng High school sa IPSSCT Giulio Verne sa Ostia  ay sinuwerte din na makapasok sa isang professional team, ang A. S. Ostia Mare Srl kung saan bilang midfielder ay tinanghal bilang best player noong 2011. Taong 2013 naman ay nakapasok ang kanilang team sa serie D ng Italian Professional league.

Sa isang panayam ng Ako ay Pilipino ay walang masabi ang inang si Dahlia, tubong Ilocos Sur, sa pagiging mabait at masunuring anak ni Dennis. Ang ama naman na si Daniel, tubong Batangas, ang siyang masikap na sumubaybay sa hilig ng solong anak sa paglalaro ng football.

(Sundan ang buong storya sa migreat.it)

ni: Tomasino de Roma

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Reporma sa Citizenship, ipinag-palibang muli!

Italya, ang may Pinakamahabang Pizza sa Buong Mundo