in

Filcom sa Roma, sinorpresa si Ambassador Philippe Lhuillier

Sinorpresa ng Filipino community sa Roma si Ambassador Philippe Lhuillier at ang kanyang maybahay sa isang hapunan para ipagdiwang ang ika-20 taong anibersaryo nito bilang Ambassador.

Dinaluhan ng mga community leaders ang mahalagang pagtitipon.

Ang pagkakataon ay hindi pinalampas ng mga panauhin na gunitain ang 11 taong paglilingkod bilang “Ama ng mga Pilipino sa Italya”, mula 1999 hanggang 2010 ng Ambassador.

Labingisang taong hindi lamang puno ng magagandang ala-ala bagkus ay puno rin ng proyekto, serbisyo at kolaborasyon sa pagitan ng Embahada at ng Filipino Community.

Sa tulong po ng mahal na Ambassador ay nasimulan noong 2004 ng PDGII ang paglilinis sa Piazza Manila. Ang aming pagbobolontaryong paglilinis, kung saan matatagpuan ang dating busto lamang ng ating bayaning si Dr. Jose Rizal ay sinuportahan niya at kami ay tinulungang magkaroon din ng sariing gamit sa paglilinis tulad ng tagliaerba at iba pa. Bukod pa sa kanyang personal na pagdalo sa aming mga mahahalagang pagtitipon”, ayon kay Norberto Fabros, ang namumuna sa Philippine Democratic GUARDIANS International Incorporated o PDGII.

Malaki ang aming pasasalamat, ako at ang aming buong community dahil sa suporta ni Ambassador Lhuillier sa larangan ng sports sa pamamagitan ng taunang Ambassador’s Cup. Maraming mga kalalakihan at kabataan pati na rin ang kani-kanilang mga pamliya ang nakinabang sa magandang layunin nito”, ayon kay Pye Santos, ang Coordinator ng Saints Peter and Paul Filipino Community.

Bilang cultural mediator noong mga panahong iyon, ako ay makakapagpatunay na marami tayong kababayang natulungan si Ambassador. Nagpakita siya na malasakit sa bawat kababayang may pangangailangan na lumalapit sa embahada. Kadalasan ay personal na kinakausap upang alamin kung paano siya makakatulong. Ang ilan naman ay binigyan rin ng pinansyal na tulong. Inaalam at tinatanong niya ako kung ano ang mga dapat gawin para mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino sa Roma at anu-ano ang mga serbisyong makakatulong sa atin”, paalala naman ni Liza Bueno, isang Migrant Consultant ng Centro Servizi per i Cittadini CSC.

Ang pagsilang ng Philippine Independece Day Association o PIDA ay naganap sa ilalim ng panunungkulan ni Ambassador Lhuillier. Sa pagtutulungan ng Embahada at ng filipino community ay nagkaroon ng giuridical identity ang ating organisayon. Kanyang itinuro ang pagbibigay halaga sa Araw ng Kalayaan at ang sama-samang pagdiriwang nito tulad ng Indepedence Day celebration at ang Vin d’Onor. Hindi lamang iyan, kahit hindi na Ambassador ng Italy ay pinatunayan niya ang pagabay sa atin. Walang tawag ang hindi niya pinakinggan at hindi kaylanman nagdalawang salita ang mga lumapit sa kanyang asosasyon at grupo mula sa Roma”, paalala naman ni Auggie Cruz, ang dating presidente ng PIDA.

Noong mga panahong iyon, ako ay nagsisimula bilang isang videographer at hindi madali ang magkaroon ng sariling gamit. Personal akong lumapit kay Amba at ako ay tinulungan niyang makapag-pundar ng aking sariling gamit tax free. Bukod dito, ako ay nasorpresa ni Amba sa kanyang pagdalaw sa akin sa ospital na ako ay maoperahan”, kwento naman ni Boss Ramos.

Wala akong maibabahaging naging kolaborasyon namin ni Ambassador Lhuillier dahil nagsisimula pa lamang akong maging active sa community noon. Ngunit ako ay nagtataka kung bakit bukang-bibig ng mga Pilipino ang pangalan niya. Hanggang sa dumating ang pagkakataong ang ating website at newspaper na Ako ay Pilipino ay itinalagang Best Newspaper at Best Website on Migration 2018 ng Commission on Filipino Overseas (CFO) at ako po ay nangailangan ng mga sponsors. Lumapit po ako sa kanya, at ako po ay personal niyang pinadalan ng email para sabihing huwag palampasin ang pagkakataong ito dahil ito ay isang karangalan din ng mga Pilipino sa Italya bilang natatanging pahayagan at website na naparangalan sa Europa noong taong iyon. At ako po ay buong puso niyang tinulungan”, kwento naman ni Pia Gonzalez noong gabing iyon.

Bukod sa mga personal na naibahagi ng mga panauhin ay naalala rin ng lahat ang pagiging bukas ng Embahada sa lahat ng Pilipino. Ramdam ng lahat ng mga organisasyon ang pagiging bahagi nito at ito ay mapapatunayan dahil ang social hall ay palaging nag-uumapaw kapag doon ay may pagtitipon noon.

Tandang-tanda ko pa ng natanggap ko ang komunikasyon buhat sa dating Pangulong Estrada na ako ang magiging Ambassador sa Italya ng taong 1999.  Sa pahintulot ni Edna, ang aking mabahay, ay magkahalong tuwa at pag-aalala ang aking naramdaman dahil haharapin ko ang bagong hamon at yugto ng aking buhay”, kwento ni Ambassador Lhuillier.

At ang tuwa at pag-aalalang iyon ay tumagal ng 11 taon sa Italya at sa ngayon ay nasa ika-20 taon na, aniya.

Ang labingisang taon ko sa Italya ay bagay na nagturo sa akin ng maraming bagay at ito ay aking ginagawa at ipinagpapatuloy sa Madrid sa filipino community doon. Ang mga taong ito ay naging mga taon ng tagumpay, dahil na rin sa inyong pakikipagtulungan at pagmamahal sa komunidad”.

Naging ma-emosyon naman ang maybahay ng Ambassador. Sa kanyang pagsasalita ay inaming nararamdaman niya ang pangungulila ng mga OFs sa kanilang pamilya dahil ito rin aniya ay kanyang nararamdaman.

Salamat sa inyong magagandang salita at lalong higit sa inyong pagmamahal”, aniya.

Ang pagtitipon, bukod sa pananabik sa Amang naging bahagi ng komunidad ay naging gabi na puno ng sorpresa at lalong higit ng pag-asang makakapiling muli ang panauhing pandangal na tunay namang sumuporta, gumabay, nag-alaga, dumamay at nagmahal sa Filipino Community sa Italya.

Lubos din ang pasasalamat ng lahat sa mag-asawang Stefano at Marie Lami sa pag-oorganisa ng isang makabuluhang muling pagkikita. 

PGA

                           

  Good evening to you all.

 I find it a fitting occasion to be with you here tonight in Rome. 

Tomorrow, March 01, marks the 20th anniversary of my presentation of credentials as the        Philippine Ambassador to Italy.  That was the official introduction to my memorable diplomatic career in Italy. 

Who would have thought that I could spend the last 20 years of my life in Government Service! It has been a rewarding experience. But it has not been easy in the start. There were challenges, but we were able to weather the difficulties that went our way.

What made the experience more satisfying and fulfilling was that I got to work with Filipinos who share the same goals as mine in helping our Kababayans. All of you here made my eleven years in Italy better and rewarding. All those years, and even up to now, I still feel the support and warmth you have for me. Sa inyong lahat, MARAMING MARAMING SALAMAT!

I did not only gain friends, but most importantly I gained partners. In my stay in Italy, you have become those real and reliable partners. 

I am pleased to see that you still continue what we have started 20 years ago. Not only are the Filipino community groups bigger, they are also much stronger and united now. It is true that we reap what we sow. Our common goals for the Filipino community in Italy brought unity in all of us. 

The learnings I had with you during my first experience as Ambassador, I brought them with me when I became Ambassador to Portugal and now Spain. I can honestly say that you helped me shape my outstanding relations with the Filipino Community wherever I may be. 

I end my speech by saying that burdens become lighter when we carry the load together. You showed me the true meaning of friendship and partnership. Let´s continue caring for each other, and helping one another. 

This night is for all of us, to remind us that 

Alone we can do so little; together we can do so much

Maraming salamat po.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

MUSIKBEATS Connection, bagong kids band haharanahin ang Milan

FILCOM Conference, idinaos sa Bologna