in

FilCom sa Venice, nagdiwang ng ika-500 taong anibersaryo ng Kristyanismo

FilCom sa Venice, nagdiwang ng ika-500 taong anibersaryo ng Kristyanismo

Ang komunidad ng mga Pilipino sa Venice ay nagdaos ng pagdiriwang ng ika-500 anibersaryo ng kristiyanismo sa Pilipinas. 

Maayos ang naging paghahanda ng komunidad sa pamumuno ng Venice filcom President na si Quintin M. Malinay Jr.

Bilang paghahanda ay naging panauhin ni Simone Venturini, assessore comunale alla Coesione sociale, ang ilang kinatawan ng komunidad. Kasama ng filcom president sina Fr. Erwin Manalang, filipino Chaplain ng Venezia, at si Florynda Sangalang,coordinator ng pastoral council. 

Sa nasabing courtesy call ay napag-usapan ang mayamang kasaysayan ng kristiyanismo sa Pilipinas. Pormal ding inimbita ang opisyal ng gobyerno sa pagdiriwang at iginiit ang istriktong pagpapatupad ng covid19 safety protocols. Pinuri naman ng opisyal ang mga Pilipino sa lugar na nasasakupan na aabot sa 3000 ang bilang. Maayos at mapagkakatiwalaan sa trabaho at hindi umano mabigat na pasanin ng komunidad. 

Ang pagdiriwang ay ginanap sa Parrocchia Cuore Immacolato di Maria sa Via Altobello sa Mestre, sabado ika-17 ng abril 2021. Ang pagdiriwang ay dinaluhan ng mga kaparian: Padre Erwin Manalang Chaplain of the Filipino Community of Venice; Mons. Angelo Pagan (Main Celebrant) Vicar General of the Patriarchate of Venice; Don Natalino Vicar Foreign for the Vicariate of Mestre; Padre Adriano Serra Parish Priest of Cuore Immacolato di Maria; Padre Ottavio Bolis Superior of the Somascan Community in Mestre; Padre Secondo Brunelli Somascan Priest; Padre Enrico Balderama Assistant Parish Priest of Cuore Immacolato di Maria; Padre Antonio Redemptorist Father; Don Carlito Garcia Chaplain of the Filipino Community in Treviso; Don Fil PIME Missionary; Don Maurizio Diocesan Priest.

Hindi nakarating ang alkalde ng Venice ngunit nagpadala ito ng kanyang kinatawan, si Assessore Simone Venturini, kasama si Consigliere Comunale Emmanuele Muresu at Dott.Gianfranco Bonesso, ang dating Responsabile dello Sportello dell’Immigrazione del Comune di Venezia. Dumalo din si Faith Pahel, ang representative ng Honorary Consulate of Venice at ang Consiglio Pastorale della Chiesa di Altobello.

Masigla, makulay at makahulugan ang pagdiriwang sa pamumuno ng event coordinator na si Milagros Recimella. Lubos ang pasasalamat mula sa pinagpalang komunidad ng Venice. Nangako naman ang panauhing assessor na pagkatapos ng hinaharap na pandemya ay mas ipakikilala ang yaman ng kultura ng Pilipinas sa kanilang lugar. 

(Quintin Kentz Cavite Jr. – Photocredit: Filcom Chaplaincy of Venice)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

April 26, simula ng gradwal na muling ‘pagbubukas’ ng Italya

Pass para sa pagpunta sa ibang Rehiyon, ano ito?