Aktibong nakiisa ang filipino community sa kampanyang “Lustra la Fortezza” noong nakaraang Sabado, Oktubre 26.
Ito ay isang kampanya ng sama-samang paglilinis sa hardin na layuning malinis, mapangalagaan at mabantayan ang kaayusan ng Fortezza garden.
Pinangunahan ng Un Fiore per la Fortezza association, sa tulong ng iba’t ibang lokal na asosasyon at sa pakikiisa ng Florence Consulate General of the Philippines, ay nakiisa ang filipino community sa paglilinis ng nasabing hardin bilang tanda na rin ng pasasalamat sa maraming pagkakataong nasagawa dito ang komunidad ng iba’t ibang aktibidades.
“Ang pagiging bahagi ng komunidad ay isang mahalagang halimbawa ng integrasyon”, ayon sa mga organizers.
“Ito ay simula lamang sa mga susunod pang gagawing paglilinis sa giardino di Fortezza”, dagdag pa nito.
Sa Florence ay tinatayang halos pitong libo ang mga residenteng Pilipino katumbas ng 5% ng kabuuang populasyon ng mga dayuhan. Kilala bilang pinaka integrated na komunidad, hindi lamang sa Florence bagkus sa buong bansa.
Basahin din:
Mga Pinoy, nagbolontaryong maglinis ng parke sa Varese