in

Filipino Community of Arezzo, sa unang taong anibersaryo

Kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng mga Puso ay ginanap rin ang unang taong anibersayo ng Filipino Community of Arezzo.

Arezzo – Pebrero 26, 2013 – Ipinagdiwang ng Filipino Community of Arezzo ang kanilang unang taong anibersaryo noong February 16, 2013 sa Teatro Piero Aretino ng nasabing siyudad sa isang programa na pinamagatang FCA Valentines Affair Anniversary Special.

Naging makabuluhan ang nasabing programa nang magbigay ng magandang mensahe ang panauhing pandangal na si Dr. Casimero A. Dulay, isang dalubhasang pisikologo mula pa sa Roma.

"Ako'y nagagalak na maging bahagi ng anibersaryo dahil nakikita ko ang entusiyasmo hindi lang ng mga opisyales at miyembros kundi maging ang mga kabataan sa paggawa ng mga proyekto para sa kapakanan ng mga Filipinos dito sa Arezzo", saad ni Dulay. "Nais ko lang na huwag sayangin ang pagiging aktibo ng mga kabataan. Tulungan natin silang lalong makilala ang kultura ng kanilang pinagmulan" dagdag nito.

Sa kabilang dako, naging lalong masaya ang programa dahil sa mga magagandang awitin at all out performance ng itinuturing na Italy's Filipino Concert King na si Mr. Armand Curameng kasama pa ang kanyang magaling na dancer na si Ivana Maggiore na mula pa isang kilala TV station.  

Naging makulay ang selebrasyon nang magsagawa ng mga palaro at instant Search for Mr. and Miss Valentines kung saan nanalo sina Marvin Molina at Gerlie Deita na sinundan nina Mark Richardson Milan at Kristy Joven.

Ang mga iba pang naging bahagi ng programa ay sina Lorna Santos na nanguna sa panalangina,  sinundan ni Elizabeth Astrologia para naman sa pambansang awit habang ipinakilala ni Gomer Baun ang panauhing pandangal. Nagbigay din ang kaniya-kanyang mensahe buko sa dalawang bise presidente na sina Edmund Quirit at Renato Yape gayun din ang presidente ng nasabing asosasyon na si Venus Rabang.

"Taos puso ang aking pasasalamat sa lahat ng mga opisyales at miyembros lalo na ang mga taong laging sumusuporta sa at kanilang walang sawang tulong para marating ng FCA ang isang taon" pagpupugay ni Rabang. Idinagdag pa nito na hindi perpekto ang kanyang pamamaraan bilang presidente ngunit hiniling niya ang pang unawa ng lahat at patuloy na pag-gabay sa kanya para makagawa pa ng mga makabuluhang programa para sa Pilipino hindi lang sa Arezzo kundi maging sa buong Italya.

Sa kanilang pagpasok sa pangalawang taon, marami silang mga proyektong nais ilunsad tulad ng pagdiriwang ng banal na misa tuwing araw ng linggo, mga palaro sa Summer at ang Search for Little Mr. And Miss FCA na nakatakdang gaganapin sa Mayo.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga Pilipino sa Misa ng Pasasalamat para kay Pope Benedict XVI

PAGLULUNSAD NG ORACIÓN NG SAMBAYANANG PILIPINO