Ang bagong asosasyon sa Catania ay nagboluntaryo sa paglilinis ng lungomare bilang kanilang unang proyekto.
Catania, Hulyo 16, 2014 – Nagsagawa kamakailan ang FILIPINO COMMUNITY OF CATANIA ng kanilang kauna-unahang aktibidad matapos mailunsad nitong nakaraang Mayo. Ito ay tinawag na OPLAN LUNGOMARE, o ang paglilinis sa Catania bilang serbisyo ng komunidad. Sa pamamagitan ng nasabing aktibidad ay ipinamalas ng mga Pilipino ang malasakit sa kapaligiran, lalong higit sa lungsod ng Catania, na kanilang itinuturing na ikalawang tahanan.
Noong July 7 ay sinimulan ng grupo ang paglilinis mula alas 7:30 hanggang 10:30 ng umaga mula Piazza Europa hanggang Piazza Nettuno. Sa pagitan ng oras na ito ay hindi inaasahang dumating ang alkalde ng Catania, si Hon. Enzo Bianco upang mag-bisikleta. Lumapit ang grupo upang magbigay galang sa alkalde. Iniulat din ng katatag lamang na grupo ang ginagawang paglilinis bilang kanilang volunteer work. Natuwa ang alkalde at pinuri ang mga Pilipino na noon pa man ay malapit na sa puso nito.
Bukod dito, maging ang mga residente ay binigyang pansin ang pagpapahalaga sa kalinisan ng kapaligiran ng mga Pilipino. Sa katunayan, pinasalamatan at kinilala maging ng media ang inisyatiba.
Ang FILIPINO COMMUNITY OF CATANIA ay isang bagong organisasyon na inilunsad noong nakaraang Mayo 25, 2014. Ang mga nanumpang opisyales ay sina:
LENI VALLEJO – PRESIDENT
GERARD MAAT – VICE PRESIDENT
EVELYN BILLONES – SECRETARY
JOCELYN PITAS – ASST. SECRETARY,
JOHN FLORALDE – TREASURER
SYLITA MAAT – AUDITOR
LITO CUYA – AUDITOR
JUDY PIGAO – BUSINESS MANAGER
GRACE CABREJAS – BUSINESS MANAGER
RENE BILLONES – PRO
JENILYN SAPINOSO – PRO
LORETO PITAS SR., DONNA LEDONA, LYDIA CABASAAN, ELENA GOREMBALEM AT EDGAR ASTURIAS – ADVISERS
ESTER RICAMONA – HONORARY ADVISER