Bukod sa pakikipagtulungan sa ginanap na consular mobile service ay aktibo rin ang komunidad sa sports.
Rimini, Mayo 5, 2014 – Naging matagumpay ang ginanap na consular mobile services sa Rimini, sa pangunguna ni Consul General Marichu Mauro kasama si Vice Consul Helen Sayo. Sa pakikipagtulungan ng FILIPINO COMMUNITY-ROMAGNA CHAPTER at ng MABUHAY Community ng Ravenna humigit kumulang sa 150 katao ang nabigyan ng pagkakataon na makapag-renew ng passport, at marami din ang nagkaroon ng nakapag-asikas sa kanilang PAG-IBIG,SSS OWWA membership at marami pang ibang serbisyo.
Nagpatawag din ang kararating lang na ConGen MARICHU MAURO sa ibat ibang icommunity leaders na maikling pagpupulong kung saan tinalakay ang mga pangunahing pangangailangan ng ating mga kababayan sa kanyang sinasakupan.
“Masaya at kapaki-pakinabang ang unang araw ko dito sa Italya”, ani ng bagong Consul General at nangako na babalikan nya ang RIMINI sa November para sa isa pang consular services.
Ginanap ang FCRC (Filipino Community Romagna Chapter) & FEDERATION One Day League. Tinawag itong 1st PRESIDENT'S CUP 2014. Nilahukan ng apat na team ang nasabing liga; ang RAVENNA, FORLI, CESENA AT RIMINI. Pinarangalang kampyon ang RAVENNA HEATERS, first Runner up ang RIMINI SIMPATIKOS, 2nd RUNNER-UP ang ACROBATIC FORLI AT 3rd Runner up ang CESENA.
Nasungkit ni Mr. Rommel Lopez ang MVP.
Samantala, dalawang team ang naglaro sa FIL-COM FEDERATION na nagmula sa CIVITANOVA MARCHE at PESARO-URBINO kung saan CIVITANOVA MARCHE ang nag-champion.
Tulad ng layunin ng mga organizers, naging matagumpay ang 1st President’s Cup at inaasahan pa ang mga susunod na pagdiriwang na maghahatid sa higit na pagkakaisa ng mga miyembro ng komunidad at pederasyon. (Max Rivera Mercado)