Isang grupo ng mga Pilipino na binubuo ng mga bata, teenager at matatanda ang nagtulung-tulong at ginawang bago muli ang basketball court sa Milano Rogoredo. Galing sa sariling bulsa, ay ginastusan ng mga Pinoy ang court: inayos ang net ng ring at pinunturahan din ang mga linya nito.
Ito ay ayon sa post ng ‘La Giornata Tipo’, ang tanyag na page sa Social Media para sa mga mahilig sa Basketball. At dahil mahilig ang mga Pinoy sa nabanggit na sport, nanais ng mga ito na ayusin ang lugar kung saan sila nagkakaroon ng liga dalawang taon na.
Noi filippini amiamo il basket e ci dispiace veder il campo dove andiamo spesso a giocare messo così male. Abbiam comprato il materiale e lo abbiamo sistemato con grande piacere e un po’ di buona volontà. Da 2 anni organizziamo anche un torneo, i soldi che sono avanzati da questa colletta, li utilizzeremo per offrire la merenda a chi verrà” Alma Valdez. (La Giornata Tipo)
“Mahilig kaming mga Pilipino sa larong basketball at kami ay nalulungkot makita ang estado ng court kung saan kami madalas magpunta at maglaro. Bumili kami ng mga gamit at inayos namin ito nang masaya at maluwag sa aming kalooban. Dalawang taon na kaming may liga dito at ang labis sa aming koleksyon ay aming ibibili ng merienda para sa mga makikiisa at manonood ng laro” – Alma Valdez.
(photo credits: La Giornata Tipo)