in

Filipino Nurses Association of Tuscany (FNAT) nagdiwang ng unang anibersaryo

Ipinagdiwang ng mga Filipino Nurses sa Toscana ang unang anibersaryo ng pagkatatag ng FNAT. 

altFirenze, Abril 20, 2012 – Ginanap ito sa Instituto Salesiano dell’Immacolata sa Via Ghirlandiao 40, Firenze noong nakaraang linggo Abril 15, 2012.  Nagsimula sa 7 miyembro na itinatag noong Abril 07 ng nakaraang taon ang naturang grupo dahil sa layunin ng magandang pagkakaisa, adhikain at misyon.  Ngayon ang grupo ay binubou na ng 43 miyembro mula sa Firenze, Viarregio, Monticatini, Prato at Siena.

“Ang aming grupo ay nabuo dahil sa pagkakaisa, pagtutulungan at pagmamahalan ng mga miyembro, at dahil dito ay madali naming naisasaayos ang aming mga proyekto. Nagpapasalamat rin kami sa suporta ng mga pamilya ng grupo na gumagabay at tumutulong”, ayon kay Pres. Remely Abrigo. 

Sa loob ng isang taon ang Filipino Nurses Association of Tuscany o FNAT ay naging kabahagi na ng bawat Filipino events. Ang kanilang presensya ay mahalaga upang magbigay tulong sa pamamagitan ng first aidassistance, libreng blood pressure control at glucose test.  Nagsagawa rin ang FNAT ng isang symposium, “Risk of Gardiovascular Diseases”. Ito ay  pinangunahan ng mga Italian Cardiologists at dinaluhan rin ni Honorary Consul Dott. Fabio Fanfani.

Sa pagdiriwang ng kanilang anibersaryo ay ipinakilala ang 13 bagong miyembro, sa pinning ceremony.  Sila ay sina Pasquali Ronquillo, Elnora Refe Baldicano, Rson Lao, Jonathan Larangan, James Abanilla, Shiela Ambra, Kristen Comia, Boyet Arceo, Vangie Leslie Cinco Baraero, Ella Natalie, Bella Fe Javier Jimenez, Toby Cabigao at Delia Alvarez Tangonan. 

Naghandog naman ng medalya ng pagkilala sa mga natatanging nurses ng taon, bilang “Active Nurse award” si Mher Del Valle, FNAT Logo award Judy Castillo, FNAT Pledge award Kristina Rivera, Collaborative Nurse award Mercy Bueser and Noralyn Apuro, Precise Nurse award Raymund Silva, Outstanding Financial Coordinator award Ma. Elena Punzalan, Nightingale of the Year award Remely Abrigo at “Nurse of the Year award”  Jing Jocson. 

Pinasaya ang okasyon ng mga guest performers mula sa FNAT kids; ang Punzalan Twins song number, FNAT Kids dance number with the Nurses, Move Mechanics Group at ang Grease Dance Presentation ng mga Nurses. 

Naging panauhin rin ng pagdiriwang sina CFCT Confed Pres. Val Capsa, Vice Pres. Dennis Reyes, Ms. Divina Capalad, Pabs Alvarez, Guardians of Tuscany, TAMPCI, Golden Group, RCBC Leo Pinon at FCCT Reynaldo Rivera.  

“Muli, buhat sa pamunuan ng FNAT kami ay nagpapasalamat sa mga nagsidalo, at kami ay nangangakong patuloy na gagabay sa inyo, sa mga usaping pangkalusugan at patuloy na aalalay sa mga nurses upang maipagpatuloy ang kanilang profession dito sa Italya”, pagtatapos ni Pres. Remely Abrigo”

Nagsagawa rin ang FNAT ng isang symposium para sa mga Filipino na pinangunahan ng mga Italian Cardiologists at dinaluhan maging ni Honorary Consul Dott. Fabio Fanfani. Ang tema ay “Risk of Gardiovascular Diseases”. (ni: Archie Gabay)

alt

alt

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

SINAUNANG TRASDISYON NA “KARAKOL” NG BAYAN NG ROSARIO, CAVITE, ISASAGAWA SA FIRENZE SA MAYO 27

Dalagitang Pinay, natagpuang tulala