Mainit at gitgitan ang naging laro sa pagitan ng Filipino Nurses Association laban sa NB whites. Sa score na 81-84, inuwi ng Nurses ang tropeo ng pagiging kampeon sa katatapos na liga sa Genova, Italy. Pumangalawa naman ang NB Whites, 3rd place ang Lakers at 4th place naman ang Filipino Catholic Group. Pumili ang committee ng mga Best Player sa bawat koponan. Sa FCG, sinabitan ng medalya sina Jay-R Silbasa, Jun Ray Navarra at Jay-R Mata, sa Lakers naman ay sina Rowie Tiburcio, Elly Sarmiento, at Jayron Elindo, sa NB whites ay sina Richard Cole, Japh Sarong, at Bimbo Lopez.
Sina Japh Sarong, Lemeul Melitante, Rowie Tiburcio, John Paul Javier, Jayron Elindo, Richard Cole, Jay-r Mata, Jeff Cole, Bimbo Lopez, at Artemio Silbasa Jr naman ang bumuo sa Mhytical Selections. Masayang Masaya naman si John Sylvester Esquivel na first time na sumali sa liga sa nakuhang trophy, ang ROOKIE OF THE YEAR. Tropeo naman ng MVP of the entire league ang nakuha ni Japh Sarong at ang pinaka-star ng liga na MOST VALUABLE PLAYER award naman ay nasungkit ni Lemuel Melitante. Iniuwi din ng FNHAS ang BEST COACH award na si Lito Villeros.
Bagama’t may di-maiwasang sakitan at bugnutan sa mga player, sa kabuuan tagumpay ang nasabing liga. “Nagpapasalamat ako sa mga sumuporta sa mga tumulong sa mga teammates sa mga players, at nabuo ang team namin nagkasamasama kami, masayang magulo magulong Masaya nagpapasalamat ako at natapos salamat,” ang pahayag ni Richard Cole, ang chairman ng committee on Sport ng Filipino Community Club of Genova.
“Ginawa ko lang yung dapat kong gawin para mag champion kaya ito nakuha ko, ginawa ko lang ang dapat kong gagawin,” masayang kwento naman ni Lemeul Melitante, ang MVP ng championship game.
Dahil sa tagumpay ng nasabing liga, binabalak muli ng sports committee na muling magbukas ng bagong liga ngayong tag-araw. (Jasmin Siman-Badillo, Genova Italy)