in

Filipino Runners & Bikers Rome, para sa sapat at malusog na katawan

Isang sapat at malusog na katawan na puhunan ng mga Ofw sa ibayong dagat. Ito ang nag-udyok sa Filipino Runners & Bikers Rome o FRBR upang magkaroon ng isang grupo na makakatulong sa pagkakaroon at pagpapanatili ng malakas na kalusugan. 

Kami po ay nagsimula sa pa-jogging jogging lamang. Pagkatapos ay diretso sa kwentuhan habang sama-samang nagkakape at nag-aagahan”, ayon kay Eric de Jesus, ang kasalukuyang president ng FRBR.

Sa paglipas ng Summer 2015 sinubukan ng ilan sa grupo ang sumali sa Corsa di Santi. Para sa kanila, ang pagsali ay isang ‘just for fun’lamang, tulad ng literal na ibig sabihin ng ‘fun run’.

At dito kami nagsimulang sumali sa iba’t ibang Fun run – 3km, 5km, at maging 10km ay sinubukan na din ng ilan sa amin”.

Sa kabila ng kabi-kabilang fun run, itinuturing nila ang kanilang mga sarili na baguhan at sapat na sa kanilang paglahok ang just for fun.

Lumipas pa ang mga araw at buwan, ay naging regular at naging malalim na ang pagnanais na makasali sa mga gara o kumpetisyon. Sa katunayan, ang ilan ay nakapag-produce na rin ng medical certificate at run card para makasali sa mga competitive games or gara competitive.

Bukod dito, naging daan ito upang maging regular din ang pagkikita ng mga running enthusiasm.

Then after naming sumali sa Maratona di Roma Fun Run 5km, naisip namin na pormal na magbuo ng group ng mga Pinoy runners dito sa Roma”.

Sa pamamagitan ng mga founding members noong March 2018 ay nabuo ang Filipino Runners Bikers Roma. Ito ang ipinangalan sa grupo dahil ang ilan sa miyembro ay mga bikers din bukod sa pagiging runners. At makalipas ang halos dalawang taon ay mayroong 37 active members ang grupo.

Mula sa isang simpleng hangarin ng maayos at malakas na kalusugan, ang grupo sa ngayon ay nagre-represent  ng ating bayan sa iba’t ibang kumpetisyon sa larangan ng sports. At ang kanilang paglahok sa mga kumpetisyon ay isang epektibong paraan ng integrasyon sa host country.

Taong 2018, March 11 sa Roma Ostia Half Marathon kami ay tumakbo sa unang-unang pagkakataon na suot ang aming Filipino Runners Roma uniform at kami ay tumakbo bilang isang grupo”.

Ito na ang naging simula ng kanilang pagsali sa mga event sa iba’t ibang bahagi ng Italya tulad ng: 2018– Maratona di Roma, Rome half marathon, Ultra Maratona Gransasso 50km, Rome half Marathon via Pacis, Roma Urbs Mundi, la Corsa dei Santi, Rome City Trail, Dee jay Ten: 2019– Roma Ostia Half Marathon, Rome International Marathon 2019, 100km del Passatore (Firenze-Faenza) 2019 Rome half Marathon via Pacis, Ultra Roma 50km at Roma Urbs Mundi.

Isang karangalan na makasali ang ilan naming Runners sa naganap na pinaka unang Ultra Maratona 50km dito sa Roma”.

Kaugnay nito, nakatala na ang mga upcoming races na kanilang sasalihan kasabay ng “hangaring patuloy na patatagin ang aming grupo, mas maraming kababayan pa ang mahikayat patungo sa pagkakaroon ng maayos at malakas na kalusugan at tunay na maging magandang ehemplo para sa ating mga kababayan dito sa Roma at saan mang parte ng mundo”,  pagtatapos ni de Jesus.

 

 

 

 

 

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ricongiungimento Familiare para sa asawa, anak o magulang, paano?

Dalawang magka-ibang address, maaari ba sa ricongiungimento familiare?