in

Filipino Street foods at dessert, pinatikim sa prestiyosong food market sa makasaysayang Grand Palais sa Paris

Paris, France – Maraming beses nang nakilahok sa food exhibit ang Pilipinas sa ibat-ibang bayan sa France, kaya naman kung pagkaing Pinoy ang pag uusapan, tiyak na patok ito sa publiko.

Sa katatapos na kauna-unahang edisyon ng Festival Du Bien Manger o Festival of Good Eating na inorganisa ng Rungis International Market sa Grand Palais dito sa lungsod ng Paris ay napabilang ang Pilipinas sa listahan ng mga organizer.

Humigit kumulang sa 300 seleksyon ng mga produkto mula sa nasabing International Market at pinangunahan ng 120 exhibitors, interprofessional at mga tanyag na personalidad sa mundo ng gastronomy. Ibinida sa nasabing festival ang iba’t-ibang produkto sa larangan ng agrikultura at pagkain.

Bukod sa mga produkto, ay nagkaroon din ng Food Tasting ng ibat-ibang bansa na kung saan naimbitahan din ang dalawang Pinay Chef na bihasa sa pagluluto ng Pinoy Street Foods at kakanin.

Ipinakita ni Jen Sunga sa publiko kung paano ang paghahanda at pagluluto ng Beef Tapa, Tapsilog at Longanisa, gayundin si Elda Rocero na tubong Ilocos na Pinoy Dessert naman ang niluto gaya ng Puto na gawa sa Ube, Kutsinta at Pichi-Pitchi.

Pagkatapos nila itong lutuin, pinatikim nila ito sa mga bumisita sa festival, na ayon sa mga nakatikim ay ito daw ang kauna unahan nilang makatikim ng Pinoy Street Foods.

Sa katunayan tanging Philippine Food Tasting booth lamang ang dinagsa ng mga tao na gustong makatikim ng Pinoy Silogan Meal at Dessert. Bawat kagat nila ay may halong pagkagulat at ngiti, na naglalarawan na ito ay masarap na angkop sa kanilang panlasa.

Ayon sa isang award winning Gourmand World Cookbook Writer na si Edouard Cointreau, Founder of Prix Gourmand, simula ng ipakilala at pinatikim ang pagkaing Pinoy ay palagi na nila itong iniimbita sa iba’t-ibang Gastronomie Exhibition.

Tampok din ang Igorot Tribal Dance ng mga kababayan natin sa Paris na nasaksihan din ng mga turista at mamamayang Fransi na bumisita sa exhibition.

Ang Grand Palais ay isang landmark ng Paris na matatagpuan sa sikat na Avenue Champs-Elysées. na kalimitang nagsasagawa ng prestihiyosong exhibit at indoor competition. (Dick Villanueva)

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Dalawang Pinoy mula Italya, kasama sa National Philippine Indoor Hockey Team na sasabak sa SEA Games 2019

Reddito di Cittadinanza Ako Ay Pilipino

Mga Pinoy na aplikante ng Reddito di Cittadinanza, hindi magsusumite ng certificate of immovable assets mula Pilipinas