in

Final Testing and Sealing ng Vote Counting Machine, bukas sa Filipino community

Gagawin ang Final Testing ang Sealing ng Vote Counting Machine sa April 7, sa Philippine Embassy, Rome. 

 

Roma, Marso 31, 2016 – Bukas sa Filipino Community ang gagawing Final Testing and Sealing (FTS) ng Vote Counting Machine (VCM) na gagamitin sa nalalapit na Halalan 2016.

Ang FTS, alinsunod sa COMELEC Resolution No. 10051, ay gaganapin sa Huwebes April 7, 2016, alas 4 ng hapon sa Embassy Multipurpose Hall sa Roma.

Ayon sa anunsyo ng Embahada, sa araw na nabanggit ay pipili sila sa mga dadalo ng mga botante na susubok at magpapasok ng balota sa Vote Counting Machine.

Ano ang Vote Counting Machine?

Ngayong Halalan 2016, hindi na Precinct-Count Optical Scanners (PCOS) machines ang gagamitin. Sa halip, ay gagamit ang Commission on Elections (Comelec) ng vote-counting machines (VCMs).

Ayon sa COMELEC, narito ang mga katangian ng VCM:

  • Mas pinalaki ang screen sa makina ng VCM kung saan makikita ng botante ang kanyang mga napili;
  • Colored rin ito at mas maraming impormasyon ang makikita ng bumoto;
  • Gamit nito ang Secure Digital (SD) cards sa halip na compact flash (CF) card. Ito ay nangngahulugan na ang main memory at back-up ay sabay na magse-save;
  • May feature na makakatulong sa persons with disabilities (PWD) tulad ng earphones kung saan maririnig ng botante ang kanyang napili;
  • May UV mark rin na Philippine flag ang mga balota para makilala ng makina kung peke ba ang ipinasok na balota o hindi, bilang additional security feature.

Ngunit alam na nga ba ng mga botante sa Italya kung paano ito gagamitin? Ating sama-samang tuklasin sa April 7, 2016.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

The Filipino Ricky Martin of Italy, pasok sa Blind Audition ng The Voice of Italy 2016

EU, naglaan ng pondo para sa Assisted Voluntary Repatriation sa Italya