in

FINASS, patuloy pa rin sa kanilang medical mission

Nasa ikalawang taon pa lamang ng pagkakatatag ang Filipino-Italian Nurses Association o FINASS nitong buwan ng Mayo, ika-25,  pero maraming beses na silang nakapagserbisyo sa mga kababayan sa pamamagitan ng mga medical missions at seminar ukol sa health awareness. Nakapagsagawa na sila ng mga misyon sa Bologna, Reggio Emilia, Modena at Parma.

Nito lamang nakaraang buwan ay nagkaroon sila ng medical mission, ang Cardiac Prevention Care for Filipinos, na isinagawa sa Policlinico di Modena. Ito ay libreng cardiac check-up na kinapapalooban ng pagkuha ng presyon ng dugo at Electrocardiography sa puso at pagkonsulta na rin sa cardiologist. Ang nakatalagang doktor noon ay si Dr. FABIO SGURA, isang cardio-surgeon na nagtapos sa Amerika. Siya ay kasalukuyang naglilingkod din sa Hesperia Hospital. May mga kasama din siyang iba pang cardiologist na nagsagawa ng cardiovascular screening, gamit ang mga makabagong aparato na tutukoy sa mga abnormalidad ng puso.

Dumating din at nagbigay ng suporta ang mayor ng Modena na si Sindaco Giancarlo Muzzarelli at si Consul Manuel Mersole Mellejor ng Konsulato ng Milan na dumalaw na rin sa kababayan nating pasyente na naopera sa puso.

Isang napakahalagang misyon ito dahil batid natin mula sa mga statistiko dito sa Italya na ang nangungunang karamdaman at sanhi ng kamatayan ng ating mga kababayan ay may kinalaman sa sakit sa puso at mataas na presyon ng dugo.

Nitong buwan buwan naman ng Hulyo, ika-7, isinagawa nila ang medical mission sa Parma, sa may Viale Mentana 31/A, kung saan ay nagkaroon ng pagtsek sa blood pressure at blood glucose sa ating mga kababayan. Mayroon din ng FKT/Shiatsu consultation sa pamamagitan ng dalawang physiotherapist na sina Judy Baltazar at Christina Zimmerman. Sa tulong at suporta din ng ADI-MEF ng Modena-Parma na pinangungunahan ni Pastor Ed Galapon, ni  Milleth Carillo ng BAHAGHARI at ng mga boluntaryong narses at medical personnel ay matagumpay na nairaos ang misyon.

Sa darating na buwan ng Setyembre, ay muling magkakaroon sila ng kumpletong cardiovascular check-up at awareness drive on prevention of metabolic diseases. Ito ay gaganapin sa Ospedale Maggiore ng Bologna.

Tunay ngang napapanahon ang kanilang misyon na nakabase sa kasabihang “Prevention is better than cure”. Kaya laking pasasalamat ng ating mga kababayan sa FINASS at sa pangunguna ng tatlong tagapagtatag nito, sina Alicia Notario, Deciditas Macaraeg at Russel Rivera, kasama ang iba pang nurses at volunteers mula sa Modena at Bologna.

Dittz Centene-De Jesus

larawan: FINASS Files

 

 

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Aplikasyon para sa Italian citizenship, narito ang bagong bollettino postale

Mainit na diskusyon sa loob ng bahay ng mga Pinoy, nauwi sa saksakan