Sa pangunguna ng Filipino Catholic Community in Milan o FCCM ay muling ipinagdiwang, sa ika-siyam na taon, ang Flores de Mayo at Sta. Cruzan.
Milan, Hunyo 9, 2015 – Muling ginunita sa ika-9 taon ang pagdiriwang ng Flores de Mayo at Sta Cruzan sa Milan, Italy na inorganisa ng Filipino Catholic Community in Milan o FCCM sa pamamagitan ng overall coordinator na si Efren Montillana sampu ng mga bumubuo ng FCCM.
Ang tema, “Maria, tulong ng mga pamilyang nagkakahiwalay dahil sa pangingibang bansa”. Ayon kay Montillana, ang imahe na “Mary help of Christians” ay binase sa kasalukuyan tema. “Yearly kumukuha kami ng iba’t ibang image ni Sta Maria at iniisip namin kung pa¬ano ibabatay ito para sa Flores de Mayo at Sta Cruzan”, dagdag pa nito.
Ang prosesyon ay nagmula sa Chiesa di Santa Maria della Passione sa Via Conservatorio hanggang sa Basilica di Santo Stefano Maggiore. Mahigit 30 hanggang 40 minutong ang paglalakad ng mahigit dalawampung Sagala, dalawamput limang reyna at maging ang mga deboto ni Santa Maria, habang nagdadasal ng rosaryo ang mga ito sa kanilang pagbaybay sa mga pangunahing kalye ng Milan patungo sa Basilica.
Sa pagtitipon-tipon ng mga filipino religious sectors sa Milan upang gunitain ang nasabing okasyon ay damang-dama ni Consul General Marichu Mauro ng PCG Milan ang pagkakaisa ng filipino community kung kayat pinasalamatan ni ConGen ang kintawan ng FCCM at ang buong komunidad.
Si Monsignor Paulo Martinelli ang nagbigay ng misa kasama ang mga filipino priesthood na nakabase sa Milan.
Isa-isa namang tinawag ang mga sagala at mga reyna sa harap ng imahe ni Sta Maria para sa floral offering sa loob ng simbahan at pagkatapos nito ay nag-alay din ng mga bulaklak ang mga deboto kay Santa Maria.
Tampok sa kasalukuyang Reyna Elena para sa taon 2015 ay si Julianne Sta. Ana at ang kanyang Constantino si Kerr Segismar, mga representante sa simbahan ng Sto. Niño sa Milan.
Ang Chiesa di Santa Maria della Passione ay ang pangalawa sa pinakamalaking simbahan sa Milan.
Samantala ang Santo Stefano naman ay ang pang-apat na Basilica sa Milan ayon sa FCCM overall coordinator.
“Napakasuwerte nating mga Pilipino na pinapayagan tayo na ga¬mitin ang mga malalaking sim¬bahan sa Milan dahil nakikita ni¬la ang pagka-relihyoso nating mga Pinoy”, pagtatapos ni Montillana.
Chet de Castro Valencia
larawan ni: Laurence Omana