“Handog namin ang “When you wish upon a star” sa mga naniwala at nagtiwala sa aming grupo at nangangakong lalong pagbubutihin bilang mga Filipino at nuovi cittadini Italiani (bagong mga Italians)”.
Rome, Mayo 16, 2012 – Ang FMA o Filipino Musical Academy ay itinatag noong March 7, 2010, apat na taon makalipas ang pagkakatatag sa The Holy Family Chorale, ng mag-asawang Jessie at Lenny Ramirez. Ang unang public appearance ng nasabing grupo ay sa Roma, sa isang Intercultural affair sa Tenda Roma na humakot ng papuri mula sa iba’t ibang Pinoy and Italian associations. Dahil dito, ay naging main stay ng musical life ng mga Pinoy ang FMA. Mula sa iilang miyembro, ngayon ay higit sa 30 ang mga kabataang nagsusumikap upang pagbutihin ang kanilang talento sa recital, singing, at dancing modern, hiphop at cultural.
“The Mission- vission of the FMA is to create and produce contemporary recital, singing, modern, hiphop and cultural dances at its highest level of artistic excellence through performances and educational programs that bridge cultures and reach diverse communities, with an expanding national and global audience”, ayon pa sa mga founders ng grupo.
“Who wish to discover and celebrate there identity, who yearn to become connected to a community, who inspire and be inspired by role models, mentors, and friends and who inside our walls, find a sense of pride, is a dream for the future”, ay ang mga katagang gabay ng mga kabataang miyembro sa kanilang magandang hangarin.
Pinaninindigan, gayun din ng FMA ang pagiging non-profit cultural group na nais tumupad ng mga civic responsibilities bilang Filipino at mahalagang bahagi ng Italian community. Ang mga konsyerto, sa pakikipagtulungan ng mga institusyong pribado at publiko, ay may layuning magbigay tulong sa ating mga kababayang nasalanta ng kalamidad sa Pilipinas, maging ang mga less-fortunates sa bansang Italya.
Ang unang major musical concert sa Roma ay ginawa noong July 11, 2012 at may titolong “PETERPAN: flying high broadway musical”.
Muli ay nag-aanyaya ang FMA sa kanilang un coming concert, ang “When you wish upon a star”, isang Disney Musical Show na gaganapin sa Teatro Don Orione sa Roma sa May 20, 2012.
“Handong namin ang “When you wish upon a star” sa mga naniwala at nagtiwala sa aming grupo at nangangakong laong pagbubutihin bilang mga Filipino at nuovi cittadini Italiani (mga bagong Italians).