in

Food Festival ng ENFiD Italy, para sa Oriental Mindoro

Sa pakikiisa ng maraming asosasyon at indidbiwal sa Roma, ang donasyon sa ginanap na food festival ng ENFiD Italy ay umabot sa 1871.87 euros. Ito ay ilalaan ng organizer sa isang long-term project sa Oriental Mindoro.

 

Roma, Enero 13, 2016 – Isang Food Festival ang pinangunahan ng European Network of Filipino Diaspora (ENFID) Central Italy sa pakikipagtulungan ng Sentro Pilipino at ng Socio-Cultural Committee nito bilang pagbibigay tulong sa mga naging biktima ng typhoon Nona sa Oriental Mindoro.

Tinawag na “Bayanihan for Nona victims” ang okasyon kung saan layunin ng Ita-Fil Care, ang humanitarian project ng Enfid, ang isa na namang long-term project para sa pagbangon at kinabukasan ng mga kabataang nasalanta ng bagyo.

Tumugon sa nasabing food festival ang tinatayang higit sa 250 indibidwal at higit sa 20 asosasyon at ilang local business sa panawagang pakikiisa ng organizer.

Lugaw, sopas, kaldereta, adobong tagalog, lumpiang shianghai, menudo hanggang sa buko pandan at itlog na maalat (at marami pang iba) ang inihain sa isang mahabang hapag ang masaganang pinagsalu-saluhan sa courtyards ng Sta. Pudenziana.

Sa mainit na pagtugon ng pagtulong sa food festival ay nakalap ng ENFiD ang halagang 1871.87 euros.

Naging makahulugan ang okasyong ito dahil sa 3 bagay: una sa lahat ay nagkaisa ang maraming asosasyon sa Roma para sa isa muling long term project, para naman sa Oriental Mindoro ngayon; ikalawa ay ang promosyon ng ating kultura dahil mayroon ding mga Italians na dumalo sa food festival at ang ikatlo, sa kabila ng busy sched ng marami ay naging pagkakataon ito upang magkita-kita at magkasalu-salo sa agahan o tanghalian ang mga asosasyon”, ayon sa kasalukuyang Presidente ng ENFiD Italy, Pia Gonzalez.

Matatandaang isang gusali na may dalawang silid-aralan, kusina at banyo ang ipinagawa ng ENFID Italy, kasama ang partners nito (Philam Foundation, PACT at Give2Asia) sa Maribojoc Bohol matapos itong mapinsala ng lindol noong 2013.

Partikular, boluntaryo sa araw na ito ang mga taga-Mindoro at ang asosasyon ng Mindorenos Italia, sa pangunguna ni Tommy Garcia, na nagbigay rin ng kani-kanilang testimonials bago tuluyang magtapos ang food fair. Isa ring cultural dance ang ipinalabas ng Kayumanggi Dance group sa okasyong nabanggit.

                  Isa ring cultural dance ang ipinamalas ng Kayumanggi Dance group 
                                                                        ENFiD Youth

 

Ang ENFiD Youth, sa pangunguna ni Allen Magsino ay naging aktibo rin sa pagbo-boluntrayo kasama ang FEDERFIL at ASLI (Associazione Stranieri Lavoratoti in Italia).

Sa pamamagitan ni Norberto Fabros ay opisyal ding tinurn-over ang nakalap na donasyon sa ginanap na Lugawan sa araw ng komemorasyon ng Rizal day sa Roma ng Order of Knights of Rizal o OKOR Italy at PDGII, kay ENFiD Italy President.

Ang Filipino Community sa Montecatini Terme Toscana ay nagpahawatig din ng pakikiisa at magiging bahagi rin ng nasabing pagtulong sa Mindoro.

Ang nakalap na donasyon – ayon pa sa ENFiD Italy – sa tulong ng magiging NGO partner at koordinasyon ni Monsignor Bitoon, ang dating presidente at ngayon ay honorary member ng ENFiD na kasalukuyang nasa Pilipinas, ay ilalaang muli para sa isang long-term project tulad ng pagpapa-repair ng nasirang paaralan sa Oriental Mindoro“.

ni: Tomasino de Roma

ANG VIDEO

MGA LARAWAN

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Blue card o super permit to stay, hindi epektibo ang sistema sa Italya

Ika-119 na taon ng pagkamartir ni Rizal, ginunita sa Italya