in

Fund raising para kay Michela, inilunsad online

pagkamatay Pilipina sa Perugia

Ang pagkamatay ni Michela M. sa Perugia ay ipinagluluksa ng buong komunidad, partikular ng kanyang mga magulang at kaanak. 

Inaasahang lalabas sa mga susunod na araw ang resulta ng otopsia. Ito ay magbibigay linaw sa naging misteryosong pagkamatay ng 22 anyos na dalaga. 

Kaugnay nito, ay sinimulan ng isang malapit na kaibigan ni Michela ang ‘raccolta fondi online’. Ito ay upang iparamdam sa mga naulilang magulang ni Michela ang pakikiramay at pagdamay sa panahon ng pagluluksa.

Sa pamamagitan ng isang post sa social media ay sinimulan ni Margherita Minuti ang fund raising online. Ito ay ang modernong pamamaraan ng pagbibigay-abuloy na isa ring kaugalian ng mga Pilipino bilang pakikiramay.

Ang buong halaga ay ibibigay sa mga naulilang magulang at ilalaan sa huling himlay ni Michela. Lakip ng bawat halaga ay ang mensahe ng pagmamahal kay Michela”, ayon kay Margherita. 

Sa mga nais magpaabot ng munting halaga bilang abuloy sa naulilang pamilya, narito po ang link. 

(PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Autocertificazione zona gialla Ako Ay Pilipino

Autocertificazione kakailanganin ba sa zona gialla?

bakuna laban covid19 Ako Ay Pilipino

Ang schedule ng bakuna laban Covid19 batay sa edad