in

‘Gabay’ , hatid ng ASLI para sa mga Pinoy sa Roma

altRome – ‘PRAKTIKAL NA GABAY PARA SA MGA PILIPINO UKOL SA ROMA’, ito ang titolo ng libro na inilabas noong Sabado ng gabi sa pagdiriwang ng Philippine Independence Day Ball sa Ergiffe Hotel.

Ang ‘Gabay’ ay inilathala ng ASLI o Associazione Stranieri Lavoratori in Italia sa pangunguna ng Pangulo ng asosasyon na si Analiza Bueno Magsino. Ang Asli ay opisyal na itinatag tatlong buwan na ang nakakalipas at binubuo ng 9 na founding members na may layuning magbigay ng serbisyo, maging instrumento ng integrasyon sa loob ng komunidad at magbigay ng mga tamang impormasyon upang maging matatag ang ating pananatili sa bansang Italya.

Bilang unang proyekto ng nasabing asosasyon, sa pakikipagtulungan ng Embahada ng Pilipinas,  POLO-OWWaltA,  Roma Capitale, Municipio Roma XVI, Regione Toscana at iba’t ibang asosasyon tulad ng Associazione Italo-Flippina Giustizia e Diritto ng Firenze ay inilathala ng asosasyon ang Gabay. Ito ay isinulat ni Giuseppe Caggiati sa wikang Italyano at isinalin sa wikang Tagalog, kung kaya’t matatagpuan sa iisang libro sa dalawang wika. Naglalayong igabay ang mga Pilipino sa Roma gayun din ang mga Italyano sa ating pinakamamahal na bansa sa kanilang pagbisita dito dahil ang ‘gabay’ ay nagtataglay di lamang ng mahahalagang impormasyon ukol sa Roma kundi ng mahahalagang impormasyon ukol din sa Pilipinas.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Silvio Berlusconi, nahabla sa pang-aapi at paghahasik ng galit laban sa mga dayuhan

Citizenship: Casini: “Italyano ang sinumang isinilang sa Italya”