Para sa mga Komunidad ng Pilipino, Non Govermental Organization (NGO), Civil Society Group (CSG), narito ang mga alituntunin na dapat sundin para sa accreditation.
1. Magpasa ng sinagutan Accreditation Aplication Form na maaring makuha sa Consular Section ng Embahada ng Pilipinas; maari din makuha ito sa website ng Emabahada Ng Pilipinas sa Roma at Konsulato ng Pilipinas sa Milan (romepe.dfa.gov.ph at milanpcg.dfa.gov.ph);
2. Kalakip ang listahan ng mga Opisyal at miyembro, kinatatahanan (address) at numero ng telepono;
3. Seroks (photocopy) ng mga IDs ng opisyales at miyembro.
Matapos maisagawa ang alituntunin, maari na itong isumite sa Releasing Section sa Embahada ng Pilipinas sa Roma at Konsulato ng Pilipinas sa Milan, mula Pebrero 15 hanggang Marso 31, 2019. Ang mga mahuhuling aplikasyon ay di na tatangapin.
Ang mga Komunidad ng Pilipino, NGOs, CSOs na sumunod sa alituntunin ng accreditation ay pagkakalooban ng sertipiko at opisyal na IDs pirmado ng Head of Post at lahat ng ito’y maari ng makuha simula Abril 8, 2019 hanggang matapos ang halalan. Hindi maaring ipagamit o isalin sa iba ang iginawad na accreditation. May parusa ang anumang pag-abuso na maaring humantong sa pagbawi nito.
Para sa dagdag na mga impormasyon sumanguni sa website ng COMELEC partikular ang Resolusyon No.10499 na inilabas nitong nagdaang Pebrero 19, 2019. Maaring makita ang resolusyong ito sa website ng Emabahada ng Pilipinas at sa Konsulato ng Pilipinas sa Milan, Italya.
Kaugnay naman ng gaganapin na Overseas Absentee Voting, mayroon lamang po na 30 araw na voting period mula Abril 13, 2019 hanggang May 13, 2019 dito sa Italya.
Ang Embahada sa Roma at Konsulato sa Milan ay kabilang sa magkakaroon ng VCMs para sa automated election system (AES) batay sa inilabas na Resolusyon ng COMELEC.
Ibarra Banaag