in

Gabrielle Paul Sarmiento, bagong radio host ng No Name Radio

I am hosting the new program ‘Discomfort Zone’ of No Name Radio, airing Monday to Friday at 2PM”.

Ito ang anunsyo at paanyaya kamakailan ni Gabrielle Paul Sarmiento, kilala rin sa tawag na ‘Gabby’, sa kanyang post sa social media bilang bagong radio host ng ‘Discomfort Zone’ ng No Name Radio ng RAI, na nagsimula noong February 20, 2023.

Ayon sa 22-anyos, malaking biyaya umano ito dahil sa unang pagkakataon, isang Asian ang binigyan ng mahalagang role bilang radio host ng isang malaking broadcasting company at pag-aari pa ng gobyerno.  

Matatandaang taong 2017, sa ikalawang edisyon ng “Il Collegio”, ang italian reality show, si Gabby ay naging idolo ng maraming kabataan sa Itaya. Dito ay ipinakita niya ang kanyang pagiging mabuting mag-aaral at pagiging magalang sa mga matatanda.

Pagkatapos ng tagumpay sa nabanggit na reality show, lumipad pa Pilipinas ang binatilyo upang harapin ang isang bagong hamon sa panibagong reality show sa kanyang country of origin, ang “Pinoy Big Brother”.

Ang kanyang naging karanasan sa loob ng bahay ni ‘Kuya’ ay nagbigay ng higit na oportunidad sa mondo ng showbiz. Nakuha ni Gabby ang isa sa apat na lead roles ng musical show “Tabing Ilog: The Musical” ng Kapamilya Teatro (ABS-CBN) at PETA noong 2019 sa Manila, matapos sumailalim sa training ni theatre and acting mogul Direk Vincent Del Rosario. Sa hosting naman ay nasaksihan din ang kanyang husay sa tv and online show na “Hello World” ng ABS-CBN at Star Magic Philippines. 

Kahit noong bata pa man si Gabby, aktibo na sya sa mga cultural events sa Filipino conmunity sa Roma. Aktibong miyembro ng Pinoy Teens Salinlahi, isang cultural group ng mga kabataang ipinanganak at lumalaki sa Italya. Itinanghal na Outstanding Youth Star Leader in Music ng FEDERFIL isang organisasyon ng mga OFW sa Italya noong 2016 at 1st runner up sa Batang Idol, isang talent contest ng mga kabataang Pinoy sa Roma. 

Sa kanyang muling pagbabalik sa Roma, tinapos ni Gabby ang kursong Ragioneria – Economia, Finanza & Marketing (o Accounting) at ngayon ay nag aaral muli ng Engineering of Information: Major in Statistics sa La Sapienza University. 

Bukod pa sa pagiging influencer, singer-song writer at actor ay isinisingit rin niya ang pagpunta sa dance studio upang masigurado na nahahasa pang lalo ang kanyang pagsasayaw ng modern dance. 

At tulad ng nabanggit, muling masusubaybayan si Gab bilang isang radio host sa No Name Radio: “Discomfort Zone” from Monday to Friday, 2PM to 4PM. 

Samantala, mapapanood din si Gabby sa Viva Rai 2 kasama ng tanyag na italian artist & host na si Fiorello tuwing Biyernes friday at 7AM sa Rai 2. 

I’m really filled with happiness. Naipapakita ko po ang totoong ako. Just being myself po ay naire-represent ko muli ang filipino talent and culture here in our second country. I am grateful po for the gift of talent at sa pagpapalaki ng maayos ng aking mga magulang. I am also thankful of all the person who helped, guided and supported me and still helping, guiding and supporting me all the way”, pagtatapos ng multi-talented sa panayam ng Ako ay Pilipino. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 5 Average: 4.8]

Carta di soggiorno per familiari di cittadini UE, e-card na!

Italya, nangunguna sa Europa sa fraud o pandaraya